The Broken Naivety
Muli akong bumuntong hininga at lumapit sa aking aparador para kumuha ng damit.
Ang bagay na ito ay ikinuwento ko na rin sa aking mga magulang at pareho lang din ang sagot nila sa akin tuwing kinukuwento ko sa kanila ang tungkol dito lalo na kay Mama.
“Bakit? Ano ba sa palagay mo kung bakit mo napapanaginipan ‘yan? Baka nga sa sobrang ganda mo, Sia, pati ang demonyo ay nainlab sa ‘yo,” ngumisi si Mama ngunit nawala iyon bigla nang siguro ay nakita ang takot sa aking mukha, “Biro lang, pero tingin ko isang pangyayari ‘yan na mangyayari pa lamang sa kasalukuyan. Common ‘yan, Sia, at nangyayari ‘yan sa lahat.”
Bab Populer