THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST
Tumikhim siya at ngumiti ng bahagya sa harap ng mga empleyado.
"It's a pleasure to meet all of you. I'm looking forward to working together to bring this company to greater heights," malumanay na sabi niya, malayo sa tono ng lalaking galit at iritable kanina.
Napalunok ako, sinubukan kong maging professional din, pero alam kong hindi ako makakapagpanggap nang matagal. Kung hindi kami mag-uusap nang maayos tungkol sa bahay, paano kami magtatrabaho nang matiwasay?