The Revenge of Ellaine
Sa bawat sandali ng kanilang pag-uusap, lalo pang lumalim ang kanilang samahan at pagmamahalan bilang apo at lolo.
Sa pagdating ni Angel sa mansion ng kanyang lolo, hindi lang siya natuwa sa kagandahan ng lugar kundi mas lalo pa siyang napalapit sa kanyang pamilya at naramdaman ang halaga ng pagmamahalan at pag-aalaga sa isa't isa.Nang makita ni Angel ang kanyang lolo, biglang bumuhos ang mga alaala sa kanyang mga magulang na sina Ramon at Elena. Hindi niya napigilan ang pag-iyak at biglang niyakap ng kanyang lolo.
"Lolo, pasensya ka na. Naalala ko lang ang nanay at tatay ko. Namimiss ko sila," bulalas ni Angel habang umiiyak.