Billionaire's Possession
Mayroon ding mga bote ng iba't ibang klase ng inuming de alcohol.
Muling nagsalita si Z. "Pumili ka." Itinuro niya ang mga prutas.
Pinagmasdan muna ni Axel ang mga prutas na nasa pagitan ng mga nakahaing buong manok at buong baboy. Parehas na litson. Makikita sa basket ang iba't ibang uri at iba't ibang kulay ng mga prutas. Mayroong pinya na hindi pa nababalatan, abokado, mais, mangga, pakwan, melon, lemon, dalandan, mansanas, ubas, at chico. Napakarami. Hindi alam ni Axel kung ano ang kaniyang pipiliin.
Bab Populer