Ocean Waves
Ang mga matatanda ay nananatiling tahimik at abala sa kanilang kinakain pero binasag iyon ni Tita.
“So, how are you, Kari?” muntik pa akong masamid dahil sa gulat na kinukumusta ako ni Tita ngayon.
“Maayos naman po,” sagot ko. Bakit ngayon pa ako naubusan ng sasabihin? Isip, Kari isip!
“I’ve heard you’re graduating for the next few months?”
“Ah, yes po. If we succeed on our thesis defense then ga-graduate na po kami,” saad ko. ‘Yan, tama ‘yan, pahabain mo ang mga sasabihin mo, Kari para mawala ang awkward atmosphere.
인기 회차