DILIGAN MO AKO, HARDINERO (SPG)
Hindi niya lang matandaan kung saan niya iyon narinig.
"Okay, next time..Huwag kang papasok kahit pa wala kang narinig na sumagot..Ayoko sa lahat iyong basta nalang napasok sa aking silid.. Lalo na at wala ako. Hintayin mo na lamang na iutos ko sayo ang paglilinis nito." aniya sa malamig na tono. Paulit ulit na tumango si Elena. Nag angat siya ng tingin kaya nakita ni Hades kung gaano ito kaganda at kasimple. Bagay na bihira na lang makikita sa mga babae ngayon. May maganda rin itong katawan kahit na may kaliitan. O sadyang malaking tao lang siya kaya tingin niya rito ay maliit. May maamo itong muka, maliit, manipis na kilay, brown na buhok at mata, matangos na ilong, dimples at manipis na m