Mga Anak ng Bilyonaryo
Hum*god ang palad nito sa bewang niya, "Wifey, nakapangako na ako sa Daddy mo na bibigyan ko siya nang maraming apo. Kung walang mangyayari, paano na ang pangako?"
Pinaningkitan niya ito ng tingin, "Anong pakialam ko? Gumawa ka mag-isa kung gusto mo—"
"Nag-aaway ba kayo, Oli?" biglang singit ng Mama niya kaya't sabay silang lumingon ni Colton at ngumiti nang pagkalawak-lawak.
"Hindi po, Mama. Nag-uusap lang po kami—"
"Pinag-uusapan po namin ang honeymoon at kung ilang anak, Mama...f*ck," singit ni Colton na napamura nang mahina sa dulo matapos niya itong kurutin sa tagiliran.