MR.CEO and ME
Habang nagbubukas ng projector si Julius, ramdam niya ang amoy ng kape na dala naman ni Felix, at ang banayad na tunog ng papel at keyboard sa paligid ay nagbibigay ng ritmo sa seryosong usapan.
Tinalakay nila ang mga disenyo, set-up ng venue, at detalyadong listahan ng mga gagastusin para sa "Hospitality Showcase." Espesyal ang event na ito. Isa itong pagkakataon para ipakita ng hotel ang kanilang pinakamahusay na serbisyo at amenities. Kasama rito ang eleganteng rooms, malalaking function halls, relaxing spa at pool, at masasarap na handa mula sa catering menu.
Para itong open house, ngunit mas elegante at pormal.
Hot Chapters