After Divorce: I Married A Stranger
"Kailangan mong sanayin ang sarili mo, Naomi. You need to change yourself, your image. Kasama ito sa laban mo, naiintindihan mo ba iyon?"
Napasinghap siya at laylay ang balikat na ngumuso. "I-I can't."
"Sige, papayag ka na lang na palagi kang talunan kay Ivy? Kailangan mong maging palaban sa lahat ng bagay para hindi nila isiping madali ka nilang masisindak." Hinawakan siya nito sa balikat. "Kaya mo iyan. Patunayan mong may ibubuga ka, may ganda ka at confidence na pwede mong ilaban sa kanila. Naiintindihan mo ba ako?" giit nito. "Napapanood mo ba 'yong mga movie at teleserye, 'yong mga scene sa pool or dagat, ganoon dapat ang maging entrance mo." Inayos nito ang buhok niya. "Smile. Huwag ka
인기 회차