Divorce Me Now, Chase Me Later
Isang sorpresa na puting envelope ang sumalubong kay Harper, hindi galing sa kanyang asawang tatlong taon nang walang paramdam sa Japan, kundi isang brutal na request for annulment.
Sa gitna ng pait at insulto, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa halip na bumigay at magpakita ng kahinaan, isang makeover ang nagbigay-daan sa kanya para harapin ang asawang nag-iwan sa kanya nang may bagong dignidad at tapang.
Pero bakit tila ngayon lang napansin ni Oliver ang kagandahan ng babaeng pinakawalan niya? At bakit ngayon pa siya humahabol, kung kailan napirmahan na ang annulment?