A NIGHT OF POSSESSION
Ipinakilala ng lalaki ang mga kasama niya.
"By the way, this is my siblings, Jacques, Julian, and Julie Luciano." Halos magkakamukha ang magkakapatid na lalaki, maliban sa kapatid na babae na may mga mata na tila ba naglalaman ng mga lihim. Bahagya akong nagulat nang mamukhaan ko siya, so, she is Julie, ang ex-fiancée ni Caelus. Ayon kay Caelus, matagal nang tapos ang engagement nila, pero mukhang hinahabol pa rin siya ng babae. May kakaiba akong naramdaman ng pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa na tila ba hinahanapan ako ng mali.