NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION
Ako kasi, kapag nagtitimpla ako ng kape ay gusto kong maraming asukal.
“Get in,” aniya. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan upang makapasok ako sa loob.
Isang king size bed ang bumungad sa akin. Halatang lalaki ang may ari ng kwarto dahil sa kulay itim nitong dingding. Ang bedsheet, ang kama, at ang unan niya ay pinaghalong itim at puti na kulay. Kahit ang mga cabinet at mat niya sa sahig ay ganoon din. Dalawang pinto ang aking nakita, ang isa ay banyo, at ang isa naman ay hula ko ay walk-in-closet niya. May mahabang sofa at dalawang maliliit din. Sa gitna nun ang center table na kulay itim at doon ko nilapag ang tray na hawak ko.
인기 회차