Hiram na Asawa
Malapad pa lang nitong balikat ay tila aatras na siya.
Bumigat ang paghinga niya at nilingon ang pinto, parang gusto na niyang tumakbo lalo na noong tumayo na si Attorney Carancho. Bumalik ang tingin niya sa kasama nito, nakaharap na ito sa kanya. Walang ngiti sa labi at madiin ang titig. Tagos sa balat niya ang titig nito. Umayos pa ito ng upo kaya lalong nadepina ang malapad nitong mga balikat.
Hindi makalma ang d*bdib niya noong lumapit pero pilit siyang ngumiti kay Attorney Carancho at inabot ang kamay niya para sa handshake.