Kakaibang Tikim
“Actually, hindi ako sigurado. Gusto ko lang naman kasing gumawa ng vegatable salad, tapos mag-samgyup DIY na rin ako kahit lettuce lang ang mayroon ako. Ang mahalaga naman ay may karne ng baboy sa palengke. Bibili na lang ako mamaya.”
Koreano talaga siya. Mahilig siya sa mga pang-Korean na food. Alam ko ang samgyup dahil nakita ko sa magazine na madalas kainin ‘yon nitong si Chusan Kang.
“May pipino at mga toge rin kami rito. Baka gusto mo rin, kasama rin ‘di ba sa pagsa-samgyup ang mga iyon?” alok ko pa sa kaniya.
Napangiti siya sa akin bigla. “Mabuti at sinabi mo, sige, kukuha na rin ako ng pipino at toge,” masaya niyang sagot habang patuloy na namimitas ng lettuce.
Hot Chapters