Gapangin Mo Ako Ninong Royce
Inaamin kong nakaramdam ako ng pagka-ilang sa lalim ng titig na ipinukol niya sa akin kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso pero sinikap kong maging kalmado sa kanyang harapan.
"Sabagay," ani na lamang ni Mommy sa akin, saka ko naman narinig ang malalim nitong buntong-hininga. "Okay ka lang ba riyan?"
"Okay lang naman, mom. Please... don't worry about me," sagot ko.
"Alam mong hindi ko mapigilan na mag-alala sa'yo lalo na at malayo ka sa amin ng daddy mo."
"Shhhh... I'll be alright, mommy. Please send my regards to Dad at kailangan ko ng magpaalam," ani ko.
인기 회차