Waves Of Costa Fuego
Lahat ng bisita ay nasa harapan ng mansion, abala sa kasiyahan para sa pag-uwi ng mga Del Fuego.
Mula rito, tanaw ko ang dagat na humahampas sa mga bato. Kahit madilim, kita ko pa rin ang dambuhalang alon dahil sa ilaw ng lighthouse na nakatayo sa di kalayuan. Malamig ang simoy ng hangin, at ramdam ko ang malayang paggalaw ng buhok kong nilugay ko kanina.
Sumandal ako sa veranda at nagpahalumbaba, ninanamnam ang payapang tanawin sa harapan ko. Para bang saglit akong nakatakas mula sa ingay ng mundo.
인기 회차