Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Sa bawat segundo, mas lalo niyang nakikita ang ibang anyo ng boss niya—hindi ang cold at untouchable CEO, kundi isang lalaking puno ng pagod, sugatan, at desperadong kumapit sa init na matagal na niyang itinatanggi.
“Elle…” marahang dumikit ang noo nito sa kanya, at ramdam niya ang bigat ng hininga ng lalaki. “I’ve been empty for too long.”
Nanlaki ang mga mata niya, napalunok nang mariin. Ang mga salitang iyon ay tumama sa kanya, diretso sa dibdib, dahil sa ilalim ng malamig na anyo nito—may tao ring naghahanap ng kahit konting init.