The First Daughter's Bodyguard
'n para mapansin ninyo ako. Para tanungin ako kung anong kulang, anong mali. Dad, gusto ko no'n mapansin ninyo ako bago ang ibang tao. Gusto kong kausapin ninyo ako kung bakit ako noon nagkakagano'n kaya lang mas mahalaga sa inyo ang tawag ng tungkulin. Naisantabi ninyo ako. Sa pagkakaroon ng Pilipinas ng mabuting lider, may isang batang babae na pinagkaitan ng mabuting ama. Hindi ninyo minahal, tinanggap o kaya ipinagmalaki ang Irish noon. Dad, ito ako, nasa harapan ninyo ang totoong Irish. Tao lang rin ako, Dad. Nagkakamali, nabibigo, nawawalan ng tamang landas but I'm trying my best to be a good daughter." Humihikbi na siya. Sinikap niyang mag-ipon ng hangin sa dibdib. Nanginginig ang kan
Hot Chapters