Sweet Summer With Mr. Millionaire
Sa batang puso ni Nikka ay minahal na niya ang kanyang senyorito ngunit ang kanilang katayuan sa buhay ay hadlang sa sumisibol niyang damdamin. Sa patagong paraan ay inalagaan niya ang pagtangi sa amo niyang hindi niya malaman kung pinaglalaruan ba siya o may pagtingin din sa kanya. Ang lahat ng pangarap at pagasa ni Nikka ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan at isang katotohanang kailangan niyang harapin. Sa kanyang pagbabalik ng Hacienda makalipas ang ilang taon, muling sumariwa ang pait at sugat ng una niyang pagibig at pagkabigo. Ngunit muli rin naman nabuhay ang apoy ng pagmamahal niya ng muling makita ang amo at kababatang hindi niya malaman kung bakit namumuhi na sa kanya ngayon.