กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Married to the Runaway Bride

Married to the Runaway Bride

Umalis si Mikel upang makalimutan ang nobya na nanakit sa kan'ya. Nasira at nasaktan, susubukan niya na buuin muli ang buhay. Iniwan ni Tamara ang kan'yang pamilya dahil sa kapatid na nagbenta sa kan'ya sa isang matandang bilyonaryo na naghahanap ng babae na magsisilang sa kan'yang anak. Dismayado at luhaan, susubukan niya na ayusin ang buhay. Ang dalawang may tinatakasan ay hindi sinasadya na magkrus ang landas isang gabi. Kinabukasan, nagising sila na ikinasal na sila sa isa't isa. Pareho silang tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang nangyari noon nakaraang gabi ay nagpagulo lalo sa kanilang buhay. Mananatili kaya ang mga tumakas sa pangako ng kanilang kasal upang makadama ng tunay na pagmamahal? O pareho sila na makakahanap ng dahilan para takasan ang isa't isa?
Romance
1045.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8920 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Husband Wants Me Back After  Divorce

My Husband Wants Me Back After Divorce

Nagluluksa si Vhianne dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina, ngunit imbes na nasatabi niya ang kaniyang asawa ay nagpapakasaya ito kasama ang kalaguyo niya para ipagdiwang ang kaarawan nito. Doon narealize ni Vhianne na kahit kailan ay hindi talaga siya minahal ng asawa niya, kaya hindi na siya nagdalawang isip at nagdesisyong tapusin na ang lahat. Nang araw ding iyon, pinirmahan niya ang kanilang divorce paper. Pagkatapos ay nagtungo siya sa hospital para ipalaglag ang batang dinadala niya bago siya tuluyang umalis para kalimutan ang dating asawa. Five years later… At the Runway Show, an elegant and gorgeous supermodel in a mask, wearing a fashion designer dress walked-in, stunned the audience. “Amethyst… is that really her name?” Malamig na tanong ni Sebastian habang pinagmamasdan ang misteryosong babae. “Yes po, Mr. Guerrero. Maraming kilala at mayayamang tao ang handang magbayad ng bilyon-bilyon para makita lang ang mukha niya pero hindi talaga siya pumapayag.” Sagot ng kaniyang assisstant. Nang gabi ding iyon, sa kapangyarihan at lawak ng koneksyon ni Sebastian, napag-alaman niya na siya ang babaeng limang taon niya nang hinahanap. “Supermodel… Amethyst, hanggang ngayon ay sinusubukan mo pa rin akong takasan?” “Matagal na tayong tapos, Mr. Guerrero.” “I didn’t sign the divorce paper. Where’s my child?” “Child?” Vhianne scoffed, “Nakalimutan mo na bang pinalaglag ko ang anak mo?” she added. “Really?” a smirk flashed on Sebastian’s face, “Then, who are they?” Vhianne’s face went pale when three five-year-old children stood in front of her.
Romance
1.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)

Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)

Halos hindi makakurap si Cash dahil ang inosente niyang mata ay nakasaksi ng isang makasalanang ginagawa ng dalawa. ''heyyy!! who are you ?"galit na tanong ng lalaki sa kanya habang nagaayos ng zeeper. ''heyyy again?" pumitik na ito sa harap ng mukha niya at doon lamang bumalik ang kaluluwa na parang humiwalay dahil sa nakita niyang ginagawa ng dalawa kanina. ''sino ba yan ?" galit na saad ng babaeng kaniig ng lalaki kanina .Abala ito sa pag aayos ng mukha mula sa harap ng isang malaking salamin. ''tapusin muna yan at umalis kana !!! '' utos nito sa babae . Napapalunok nalang siya dahil sa seryosong mukha at pananalita ng lalaki dahil parang nabitin at kasalanan niya dahil namali siya ng bukas sa isang cubicle ng banyo . ''at ikaw bakit hindi ka man lang kumatok basta basta ka nalang papasok '' galit nitong salita habang duro duro siya sa mukha . ''aba kasalanan ko pa kayo itong hindi naglolock ng pintuan haler!!!!'' pag aangal niyang sagot.Ang ayaw niya sa lahat dinuduro ang mukha niyang maganda. ''stay away here now !! '' natakot siya bigla dahil sa galit nitong boses dahil sa takot ay nagmadaling lumabas sya ng banyo dala ang takot at pagkabigla sa lahat ng kanyang nasaksihan ngayong araw at idagdag pa niya masungit na lalaki . Hindi na berhen ang kanyang mata dahil sa nasaksihan sa dalawa ni man lang manood ng isang malaswang video hindi niya magawa . Inis naman na binalibag ni Theo ang pintuan ng banyo at lumabas .Hindi niya matanggap na may makakita sa kagaguhan niya . Hindi niya gustong lokohin ang asawa nito pero nangangailangan lang siya bilang lalaki kaya nagagawa niyang maglihim at tumikim ng ibang babae . Yan ang tunghayan natin sa kwento nila Evan Theo Fortillen at Cashandra Torero .. (Warning rated SPG) 18+ only .
Romance
1050.7K viewsยังไม่จบ
อ่านรีวิว (8)
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ma Sofia Amber Llanda
Hi Ms. author kelan mo kta balak mg update sa Past Shadow story of Kurt and Helen buti pa D2 sa story mo na to panay ang update mo gusto rn nman naming malaman Kung ano na ang progress sa kwento nla Helen and Kurt sana maisipan mo Rin na mag update sa Past Shadow ang ganda rn nmn Ng story ng Past
lhyn
Huwag na po kayong magalit . Pinipilit ko man po subukan mag update kaso talagang hindi kaya .Hirap kasi ako ngayon sa aking pagbubuntis at ayaw ko ng maulit ang nangyari sa first baby ko na nawala dahil sa stress ko . Hopefully maintindihan niyo po ako hirap kasi ako ngayon lalot walang kain .
อ่านรีวิวทั้งหมด
Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Sa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki. Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay. Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson! Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik. “After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to explain what we are now?” Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa. Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Cebu para kay Bettina. “If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.” “Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?” “I’m not interested in anyone else. But you… you’re the exception.” Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander? Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?
Romance
1014.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Hindi niya pinili ang kasal. At hindi niya dapat pinagnasahan ang lalaki. Nang malaman ni Althea De Fuego na ipapakasal siya sa isang makapangyarihang CEO upang iligtas ang kanyang pamilya, isang gabi lang ang hiniling niya. Isang gabing wala siyang obligasyon, wala siyang pangalan, at wala siyang kinabukasan na iniisip. Isang gabi. Isang pagkakamali. Ngunit natuklasan niya ang katotohanan. Ang lalaking nakasama niya ay si Anderson Velasco - ang lalaking konektado sa kapangyarihang kumokontrol sa buhay niya, ang lalaking nakatayo sa maling panig ng kanyang kasal, at ang lalaking hindi niya dapat kailanman hinawakan. Sa loob ng isang mansyong itinayo sa mga kontrata, katahimikan, at kontrol, ang pagnanasa ay nagiging kasalanan. Bawat tingin ay binabantayan. Bawat hakbang ay sinusukat. Habang hinihigpitan ng kanyang mapapangasawa ang hawak sa kanya, pilit namang nilalabanan ni Anderson ang damdaming maaaring sumira sa kanilang dalawa. Ngunit kapag may lihim na kumalat, may pagtataksil ring mamabunyag, at ang araw ng kasal ay nauwi sa kaguluhan. Sa mundong ang kasal ay kasunduan at ang katahimikan ay paraan ng kaligtasan. Hanggang saan siya lalaban upang bawiin ang sarili at paano kung ang lalaking gusto niya ay ang lalaking hindi niya maaaring piliin? Paano itatago ang pagnanasang hindi na kayang pigilan?
Romance
10584 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
Romance
668 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata?
Romance
1018.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Sold for one night

Sold for one night

Isang gabi kapalit ng malaking halaga. Ang kaniyang virginity kapalit ng pera na makatulong sa kanilang pamilya. Isang mabuting anak at isang bilyonaryo na naliligaw ang landas.
Romance
3.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
3132333435
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status