Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
801 viewsOngoing
Read
Add to library
Still into you (Book 2 of Still holding on)

Still into you (Book 2 of Still holding on)

Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan—ang Manila. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya rito. Hindi iniinda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak, lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili lamang niya. Subalit ang pagiging ina niya'y sinubok nang isang araw ma dengue ang kaniyang anak at kailangan niya ng malaking pera. Isang kaibigan ang nagbigay ng raket sa kaniya na may malaking suweldo. Ang hindi niya aakalain ay dahil sa raket na iyon ay muli silang magkikita ng lalaking iniibig niya. Si Brett Valle. Ang ama ng kaniyang anak. This story is book two of Still Holding On.
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned By The Mob Boss

Owned By The Mob Boss

"Kailangan mo ng pera; kailangan ko ng asawa." Si Peony Sinclair, isang workaholic na babae, ay nakilala si Mattia Luigi D'Amato, isang kilalang boss ng mafia na may madilim na sikreto. Habang si Peony ay nagtatrabaho nang husto para mabayaran ang ospital bills ng kaniyang ama, si Luigi ay busy sa pakikipagtalik sa iba't-ibang babae at pagtapos ay babawian niya ang mga ito ng buhay. Sa patuloy na pag-angat ng gastusin sa ospital, kinakailangan ni Peony ng malaking halaga ng pera. Sa kaniyang desperasyon, natagpuan niya ang sarili sa isang auction matapos siyang lokohin ng isang babae na nangakong magbigay sa kan'ya ng magandang trabaho at malaking sahod. Magiging simbolo ba si Peony ng pagbabago para kay Luigi, o haharapin niya ang parehong kapalaran ng ibang biktima ni Luigi?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

iamsimple
Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na apo ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love for Rent

Love for Rent

Limang buwan na ang nakalilipas ay ibinenta ni Hanna ang katawan at naiwala niya ang pinakaiingatang puri. Isang malaking pagkakamali ngunit kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kapatid. Namasukan siya bilang dyanitres sa pinakamalaking kumpanya sa kanilang bayan. Hindi niya akalain na ang lalaking naka-one night stand at ang CEO, ang bilyonaryong si Charles Ethan Rodriguez ay iisa! Inalok siya nitong magpanggap bilang girlfriend. Pumayag siya dahil bukod sa sobrang gwapo at matipuno nito ay babayaran siya ng malaking halaga. Paano kung sa kasunduan nila ay umibig siya sa mayamang binata? Ngunit parausan lamang ang tingin nito sa kanya habang hinihintay nitong bumalik ang babaeng tunay na minamahal. Hanggang saan siya magtitiis para sa lalaking walang pagtingin sa kanya? Hanapin kaya siya nito kung isang araw ay bigla na lamang siyang maglahong parang bula?
Romance
9.91.3M viewsCompleted
Show Reviews (104)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
maganda Ms A Ang book 1.. diko lng alam kung maganda din itong book 2 mo,,KC mukhang Puno Ng sakit at pagdurusa ata Ang mangyayari Kay Hanna...at ano Ang mangyayari sa kanilang mag asawa....Hindi ko na Muna babasahin,ska ko nlng bsahin pag end na hahaha ayuko Muna umiyak Ms A
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa suporta sa Love for Rent. Please try my other books. 1. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO - new 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire - completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife - ongoing 4. Unlove Me Not - completed 5. The Ex-convict Billionaire - completed
Read All Reviews
Mort Ville (Tagalog)

Mort Ville (Tagalog)

El Celery
Isang napakalaking syudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati dito upang paghiwalayin ang magkaibang lugar sa iisang syudad. City A o tinatawag bilang 'Ordinary City'. Dito matatagpuan ang ordinaryong mga tao kung saan walang krimen na nagaganap. Mga inosente ang mga naninirahan at walang kaalaman tungkol sa kaharasan. Napaka-organisado ng kanilang pamamahala. City B o tinatawag na 'Mort Ville' na ibig sabihin ay Dead City. Mga kriminal ang naninirahan at legal ang paggawa ng krimen lalo na ang pagpatay. Hindi mo malalaman ang tunay na nakapaloob dito kung hindi ka makakaranas na tumapak dito. Think first before you step your feet inside the Mort Ville. Baka pagsisihan mo lang.HINDI KA MAKAKAWALA. WALANG MAKAKATAKAS. "Ms. Zaylee Yvette Jordin. You are now part of our city, Mort Ville. Congratulations."
9.517.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang mataray na probinsyana (TAGLISH)

Ang mataray na probinsyana (TAGLISH)

Pseudonym
Pumunta si Dave sa probinsya kung saan sila nakatira dati pero ang pupuntahan nya ngayon ay ang bahay ng matalik na kaibigan ng Mama nya. Gusto nya munang lumayo sa kila Trixie at Ken, susubukan nyang mag move on doon at siguro kung magustuhan nya ay don sa nya titira habang buhay. Nag tanong-tanong sya kung saan nakatira ang kaibigan ng Mama nya dahil nabalitaan nyang lumipat pala 'to ng bahay. Sa di inaasahan ay na meet nya ang babaeng nag ngangalang Mikaela, ang babaeng maldita at pasaway pero may tinatago ding kabaitan. Nang makarating sya sa paroroonan nya ay nagulat sya dahil ang babaeng nakaaway nya ay anak pala ng best friend ng Mama nya at mag sasama sila ngayon sa iisang bahay, mag kikita sila sa umaga hanggang gabi... Pano kaya mag kakasundo ang dalawa kung pareho sila ni Ken at Trix na parang aso't pusa? Parati nalang ba silang mag aaway o baka dumating ang panahon na mahuhulog sila sa isat-isa?
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Captive Bride

Billionaire's Captive Bride

“Sa ‘kin ka na, Ava. Isang taon lang ‘to… pero pagkatapos noon, hindi ka na makakatakas sa akin kahit gusto mo pa.” Pakiramdam ni Ava Lim ay wala na siyang lusot sa mundo. Isang talented wedding gown designer na halos mawalan ng lahat—ang bahay, ang negosyo, at ang inang may malubhang sakit. Walang ama, walang kapatid, mag-isa na lamang siyang lumalaban. Hanggang isang araw, dumating si Sebastian Rivas—ang pinakamakapangyarihan at pinakakinatatakutang bilyonaryo sa bansa, ang tinaguriang “Demon of Real Estate.” Hindi siya nag-alok ng awa. Nag-alok siya ng kontrata: magpakasal sila sa papel at sa publiko, titira sa kanyang pribadong isla sa Palawan, at kapalit nito, babayaran niya ang lahat ng utang, gagamutin ang ina ni Ava, at bibigyan pa ito ng bagong simula. Pumayag si Ava—walang choice. Pero hindi alam ni Ava na may mas malalim na dahilan si Sebastian. Ginagamit niya ang kasal para makapasok sa lihim ng pamilya Lim—at mahanap ang katotohanan sa pagkamatay ng kapatid niya na hindi niya matanggap na aksidente lang. Sa bawat titig, bawat haplos, bawat gabing magkasama sa malaking kama, unti-unting nawawala ang lamig ni Sebastian. Nagiging obsessed siya—selos na selos sa kahit sinong lalaking lumalapit kay Ava, hinahawakan ito na parang pag-aari, at handang sirain ang mundo para mapanatili siyang malapit. Pero kapag natuklasan ni Ava na ang pamilya niya mismo ang maaaring may kinalaman sa trahedya ni Sebastian… magagawa pa kaya niyang manatili sa piling ng lalaking nagsimula sa kontrata pero nagtapos sa pag-ibig na parang tanikala? Makakalaya ba si Ava mula sa mala-presong kasal na ito… o siya mismo ang magiging dahilan para mas lalong lumalim ang dilim na hawak ni Sebastian?
Romance
29 viewsOngoing
Read
Add to library
ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

Amber_cloud00
Arabella Russo, isang simpleng babaeng lumaki sa payak na pamumuhay ang papasukin ang lahat ng marangal na trabaho para lang sa amang nakaratay sa ospital. Ngunit sa haba ng araw ng pananatili ng ama rito, napagtanto niyang kailangan niya nang kumapit sa patalim. Pikit-mata niyang tinanggap ang alok na malaking halaga ng pera kapalit ng one-night-stand kasama ang isang misteryosong lalaki. Matapos nito ay makakatanggap muli siya ng alok na maging personal maid. Lingid sa kanyang kaalaman, isa palang Mafia King na nagngangalang Alessio Conti ang kanyang pagsisilbihan. Makilala kaya nila ang bawat isa? At magawa naman kaya siyang mahalin ng binata na kilala bilang isang matapang, makisig at walang kinatatakutang leader ng malaking grupo ng sindikato? Anu-ano ang mga madidiskubre nila sa bawat isa na siyang gugulantang sa kanilang mga buhay? Magagawa bang mabago ng pag-ibig ang taong lumaki sa mundo ng karahasan?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
7891011
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status