Arranged Marriage with the Ruthless CEO
“Nasa banyo. Kakaligo lang niya kaya baka matagalan pa siya sa loob. Kung hihintayin mo siya, pumasok ka dito at baka lamukin ka dyan sa labas.”
Umiling na lang si Drake at tsaka tumawa ng mahina. “Hindi naman ako magtatagal, dinalhan ko lang talaga kayo ng meryenda.”
“Meryenda ng alas diyes?”
“Oo, midnight snack. Alam kong nag-aaral pa kayo kapag gabi. Mahirap mag-aral kapag gutom. Siguraduhin mong makakain siya, okay?”