Submissively Innocent
Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Vera asked me if I'm happy. I said I am, maybe because I chose to accept my broken heart. I chose to accept that I will never feel satisfied. Yes, I'm not satisfied. Kasi... kasi..." Napahikbi siyang bigla. Nag-unahan ang kanyang mga luha sa pag-agos. "Kasi kulang na kulang. Ang laki ng puwang sa puso ko. Ang laki ng butas. Pinilit kong hanapin ang kasiyahan ko pero hindi naging sapat. Inayos ko ang sarili ko, gumawa ako ng bagay na maipagmamalaki ko pero hindi naging sapat. Sinubukan kong hanapin 'yung halaga ko, 'yung mga rason ko sa buhay, pero hindi sila naging sapat!"
인기 회차