His Runaway Obsession
Habang kumakain sila, puro kwento si Anchali—tungkol sa cartoons na napanood niya, sa drawing na ginawa niya kanina, at sa plano niya raw bukas na magtayo ng “cookie shop.”
Pinapanood ni Xavier kung paano ngumiti si Aurelia sa bawat kwento ng kanilang anak. Hindi ito pilit, hindi rin malamlam kagaya ng mga nakaraang taon. May kakaibang kislap sa mga mata nito—parang unti-unti itong nabubuhay muli. At doon, parang may mahigpit na humawak sa puso ni Xavier.
ตอนยอดนิยม