Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Under His Possession

Under His Possession

Masaya na at kuntento kahit naghihirap sa buhay ang dalagang si Janiya. Para sa kanya, lahat ay makakaya at malalagpasan niya basta't kasama niya ang kaisa-iss na lang niyang pamilya- ang Papa Crisanto niya. Pero paano kung isang araw, bigla na lang siyang iwan ng pinakamamahal niyang ama? Iniwan siya nito nang wala kahit maayos na paalam man lang. Iniwan siya nito nang walang kahit ano maliban sa isang pirasong papel kung saan nakasulat ang dalawang address ng mga lugar na hindi niya alam. Isa na roon ang lugar na tinawag nitong "Mansion de Castillejos". Doon umano nakatira ang matalik na kaibigang babae ng ama niya- si Yvonne. Ngunit nang marating na niya ang mansiyon, isang nakakagulat na rebelasyon ang sumampal sa kanya- dalawang taon na palang patay ang babaeng pakay niya. At ang tanging naiwan nito sa mansiyon ay ang katulong na si Gervacia at ang nag-iisa nitong anak na lalaki, si Strike Vicencio o "SV"- isang kilalang CEO hindi lang dahil sa kagwapuhang taglay nito kundi lalo na sa pagiging enigmatiko at misteryoso- na walang pagdadalawang-isip na inako ang pangangalaga sa kanya pansamantala habang hindi pa bumabalik ang ama niya. Ano ang nakatakdang mangyari sa pagsasama nila ng binata sa iisang bubong? At paano kung unti-unti ay makaramdam siya ng pagtatangi sa lalaki? Lalabanan ba niya ang sariling nararamdaman o ipaglalaban at gagawin niya ang lahat para maangkin ang supladong bilyonaryo, kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila sa isa't-isa at nalalapit na rin itong ikasal sa iba?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling Twice for My Billionaire Boss

Falling Twice for My Billionaire Boss

Kaella Ponce has always been the sales manager everyone relies on—palaging on time, mahusay sa numbers, at hindi basta-basta natitinag. Sa mundo ng Roque Corporation kung saan bawat deal ay critical, she’s the woman who keeps the department running smoothly. Kaya nang ma-assign sa kanya ang isang tila clueless na trainee, she’s ready to roll her eyes and move on. Pero hindi ordinaryong newbie si Jerome. Sa likod ng kanyang simpleng trainee facade, siya pala ang Jerome Roque, ang tanging tagapagmana ng snack empire na pinagtatrabahuhan nila. Sa utos ng kanyang ama, nagkunwari siyang baguhan para maintindihan ang kumpanya at makita kung sino ang tunay na loyal. Nang kailangan niyang biglang umalis dahil sa family business crisis abroad, hindi na niya naipaliwanag ang buong katotohanan. Naiwan si Kaella—brokenhearted at feeling betrayed—at nangakong hindi na muling magpapaloko. Pagkalipas ng ilang taon, matagumpay at kilala na sa industriya si Kaella—mas strong, mas guarded, pero may mga sugat pa ring hindi tuluyang naghilom. Sa isang malaking business conference, nakasalubong niya ulit ang isang ngiti na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Jerome Roque, ngayon ay isang charismatic CEO, bumalik para patunayan na hindi nagbago ang feelings niya. Muling nagbabalik ang kilig, ang sakit, at ang mga alaala. Pero handa pa bang buksan ni Kaella ang puso niya? Kaya ba niyang muling mahulog—this time sa billionaire boss na minsan na siyang iniwan? O hahayaan niyang manatili ang distansya sa pagitan nila kahit na malinaw na may spark pa rin?
Romance
10458 viewsOngoing
Read
Add to library
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1024.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeful Love

Vengeful Love

Pag-ibig o Paghihiganti? Ano kaya ang mas mangingibabaw sa puso nina Vladimir Barameda at Lyka Mendoza pinagtagpo nga ba sila ngunit hindi itinadhana? Si Lyka ay nagtatrabaho bilang executive assistant ng ama ni Vladimir na si Henry ngunit hindi lamang siya basta assistant nito may lihim silang relasyon. Hiwalay na sa asawa si Henry kaya naman unang kita palang niya kay Lyka ay nabighani na siya rito. Hindi pag-ibig ang pundasyon ng kanilang relasyon pareho silang aware sa bagay na ito sadyang maganda lang ang kanilang pagsasama pareho silang may pakinabang sa bawat isa kaya naman namuo ang kanilang malayang relasyon ngunit tutol dito ang anak ni Henry na si Vladimir dahil pilit niyang iminumulat ang isipan ng ama na pera lang nito ang habol ni Lyka sa kanya. Walang alam si Vladimir sa tunay na relasyon ng kanyang ama at Lyka. Lahat ay gagawin niya para magkahiwalay ang dalawa. Pagkamuhi ang nararamdaman niya kay Lyka ngunit mahahaluhan ito ng pagmamahal na hindi niya kayang aminin at tanggapin. Ganun din si Lyka na labis ang poot kay Vladimir dahil sa ginagawa nitong pagpapahirap sa kanya lalo na sa kanyang trabaho. Sa pagkamatay ng ama ni Vladimir ay lalo siyang mamumuhi kay Lyka dahil sa paglilihim nito ng sakit ng ama. Malaking halaga ng kayamanan ang iiwan niya kay Lyka na labis na ikinagalit ni Vladimir. Makukuha lamang ni Vladimir at Lyka ang naiwan na kayamanan ni Henry sa kondisyon ni Henry na kailangan nilang magpakasal at mag sama bilang mag asawa sa loob ng limang taon. Isang pagsasama na nababalot ng pag-ibig at labis na pagkamuhi
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Giovanni

Chasing Giovanni

“Dad, can you leave Mama Sammy and marry my Mom instead?” Summer braised herself when she heard her stepson, Lucian asking her husband, Giovanni. “Of course.” Tuluyang nabasag ang puso niya nang marinig ang sagot ng kanyang asawa. **** After years of being in love with him, Summer grabbed the chance to be his companion in bed when Giovanni and his first love—Amber, broke up. Ngayong bumalik na ang babae at ang anak nito ay naiwan siyang luhaan. Iyon ang akala niya dahil nang magmulat siya ng mga mata ay natagpuan na lang niya ang sarili na ikinakasal kay Giovanni dahil sa Daddy niya. Tila pinapaboran siya ng tadhana. Nawala sa eksena sa Amber. Kahit malamig ang pakikitungo sa kanya ni Giovanni ay ayos lang. Naniniwala siya na kapag naging mabuti siyang asawa at ina sa anak nitong si Lucian ay mamahalin din siya nito. But oh boy!, she’s wrong. Nang bumalik si Amber ay nawala rin ang mag-ama sa kanya. Giovanni was with Amber during their first anniversary. Broken-hearted, she signed the divorce paper and left the country. Years later, when Summer’s father asked for her help, she came back fully moved on and became a Captain of Green Beret US Army. Her and Giovanni’s path meets again without him knowing they had a daughter. And the man was acting like he didn’t bring pain before. He was acting like a lovable husband, getting her attention all he wanted. ********* “I signed the divorce paper, don’t expect the same when it comes to my kid,” asik sa kanya ni Giovanni na para bang kasalanan niya pa ng lahat. His son, Lucian came too. Crying when Summer’s daughter fought with him. “Mama Sammy, inaway ako ng bata. Don’t you want me and Daddy anymore?”
Romance
1036.5K viewsOngoing
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Lorna Penafiel
still waiting msA..can't wait for amber and zacharias story .sna mbsa ko p cla.paulet ulet ko bnbsa stories mu Po msA. sa mga tanders po ksi Kay ralvan ang wla.hehe.pti c Maude.sa subrang lupet Po kC character nya dko maiisip kung anu bgay n lead for her.hehe.basta iba k msA.thank u...God bless Po
Jerrlan24
Ang ganda ng story ni Tori at anton kumpara kay summer..Nung una parang boring tas binasa ko ulit dahil ni lock ulit mas naging mafanda ang kwento ngayon, ang cute ni anton ang cute ng pag ka obsessed niya kay tori. nice story 2 thumbs up !!!
Read All Reviews
To Serve And To Protect Your Heart

To Serve And To Protect Your Heart

“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Evenfall

The Evenfall

Nabulag si Czarina sa isang malagim na aksidente. Dahil dito ay lumayo ang loob n'ya sa lahat. Ang dating masiyahin at palatawang si Czarina ay naging tahimik at mailap. Imbes na mawalan ng pag-asa ay hindi siya sumuko at nilabanan ang hamon ng buhay, kasama ng mga magulang na sumusuporta sa kanya. Pinangako rin n'ya sa sarili na kapag nakakita ay hahanapin ang taong sangkot kung bakit siya bulag ngayon. Subalit ang tila kuntento na niyang buhay ay napalitan ng sakit at dalamhati nang sabay na mamatay ang mga magulang sa parehong aksidente. Czarina was left alone in the dark. Tila binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa pangyayaring iyon. Hindi rin n'ya alam kung paano magsisimula muli. Ngunit isang araw ay nagpakilala sa kanya si Attorney. Mauricio De Cardenas. Siya raw ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang Ama. Pati na rin sa mga naiwan nitong ari-arian. Kaya ganoon na lamang ang pagdududa n'ya sa taong ito, lalo pa't ibinilin siya dito ng kaniyang Ama bilang maging legal guardian n'ya. Labag man sa loob ang naging desisyon ng Ama ay wala siyang nagawa. Hindi man magkasundo at parang aso't pusa ay tila nakadikit na sa kanya ang amoy nito. He always make her feel uncomfortable whenever he's around. Her heart was unexpectedly thumping hard against her chest everytime she hears his soft voice and smell his sweet scent. How can Czarina resist his charm. Kung sa umpisa palang ay binihag na nito ang natutulog niyang puso? Paano kung sa pagbabalik ng kaniyang paningin ay tumambad sa kanya ang isang katotohang si Mauricio ang dahilan kung bakit siya nabulag? Kaya ba niyang tanggapin ang sakit at kalimutan ang pangakong paghihiganti para sa tinatawag na pag-ibig?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
10136.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I Wanted a Divorce, Benedict!

I Wanted a Divorce, Benedict!

Sa loob ng pitong taon ng kanilang pagsasama, nananatili si Benedict na malamig sa kaniyang asawa habang si Mikaela naman ay patuloy pa rin sa pagsisilbi rito bilang isang mabuting asawa. Umaasa kasi siyang isang araw ay matututunan din siyang mahalin ni Benedict ngunit hindi niya inakala na ang pagmamahal nito at pag-aalaga ay ibubuhos lang din pala nito sa ibang babae. Gayunpaman nanatili siyang matatag sa kanilang pagsasama. Hanggang sa araw ng kaniyang kaarawan, lumipad siya mula Pilipinas patungong Amerika upang makasama ang kaniyang mag-ama ngunit sinama ni Benedict ang kanilang anak upang makasama ang babae nito habang siya ay naiwan nag-iisa sa apat na sulok ng kaniyang silid. Pagod na siya kaya nagpasya na siyang isuko ang lahat lalo na sa tuwing nakikita niya ang kaniyang anak na mas gusto at mas masaya pa ang babaeng iyon na maging ina nito kaysa sa kaniya na tunay nitong ina. Masakit para kay Mikaela ang lahat ng iyon kaya naman nagpasya na siyang ibigay ang divorce agreement kay Benedict kasama ang kostodiya at bumalik ng Pilipinas nang walang paalam. Mula noon, hindi na pinansin ni Mikaela ang kaniyang mag-ama habang hinihintay na lang ang divorce certificate nilang mag-asawa. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at muling itinaguyod ang kaniyang career. Siya na noon ay inaalipusta ng lahat ay nagawa nang kumita ngayon ng bilyon. Sa kabilang banda, sa tagal ng kaniyang paghihintay, bigo siyang makuha ang divorce certificate na hinihintay niya gayundin ang taong matagal siyang iniwasan at ayaw na ayaw umuwi ng Pilipinas ay madalas niyang nakikitang umuuwi sa piling niya. Bukod pa roon bigla itong nagbago at mas naging malapit sa kaniya. Nang malaman nito na nakikipaghiwalay na siya, kinorner siya ng dating tahimik at walang pakialam na asawa at sinabi, "Divorce? impossible."
Romance
10562 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status