Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Divorced Wife Is Back

The Divorced Wife Is Back

Author Eli
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
10835 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as ogre vs orc
Read
+Library
I DIVORCED THE MAYOR

I DIVORCED THE MAYOR

Dalawang milyong barya ang kailangan niyang ipunin para mabawi ang nakasanglang lupain ng kanyang mga ninuno. Magtatagumpay ba siya kung ang bawat taginting ng pera ang katumbas ay luha? Sa murang edad ay nalulong si Ace sa pagmamahal ng lalaking hindi niya malayang maipakilala sa publiko. Isinugal niya ang kinabukasan at ang kaniyang pangarap kapalit ang akala niya ay walang katapusang kaligayahan sa piling nito sa isang nakatagong relasyon. Saan sila hahantong kung may batas na nagbabawal sa kanilang pagsasama?
1018.1K viewsOngoingAdded to Library 380 Times as ogre vs orc
Read
+Library
Alyanna - The Forced Wife

Alyanna - The Forced Wife

Ano na lang ang gagawin mo kapag nagising ka sa isang unknown room at kasama mo ang taong tinataguan mo for five long years? Isang sign ba ito to start over again or way ito para masira niyo ang buhay ng isa't isa?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 117 Times as ogre vs orc
Read
+Library
The Divorce That Ruined Him

The Divorce That Ruined Him

Hanggang saan ang kakayanin mong tiisin? Kung paulit-ulit na pinapamukha sayo ng taong mahal mo na isa kang babaing walang dignidad? Na babaing tinikman ng lahat ng lalaki? Kaya mo bang tiisin ang pagmamahal sa taong hindi kana kayang mahalin dahil lang sa isang pagkakamali?
10960 viewsOngoingAdded to Library 37 Times as ogre vs orc
Read
+Library
Divorce Now, Marry Me Later

Divorce Now, Marry Me Later

"Let's divorce. Bumalik na ang ex-girlfriend ko at kailangan na nating tapusin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Bibigyan kita ng pera para sa panibagong buhay mo.” “Wala bang halaga sa ‘yo ang tatlong taon nating pagsasama para itapon mo iyon ng ganun-ganun lang?” Si Manson, ang asawa ni Claire na gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagbabalik ng ex nito. Pero hindi pa man naproseso ang hiwalayan nila ay gusto na agad siyang balikan ng asawa? Gayunman ay tinanggap ni Claire ang asawa pero saka naman niya nalaman na ang kanyang kababata na first love at mahal pa rin niya hanggang ngayon ay bumalik at buhay pa pala? Huli na ba ang lahat para pagsisisihan niya ang naging desisyon niya? Si Lucas, ang lalaking handang magpakamatay para lang iligtas siya. Bago sila ikasal ni Manson ay nagmamahalan silang dalawa. At ngayong bumalik ito ay naging kumplikado ang puso ni Claire. Hihiwalayan niya ba si Manson para kay Lucas?
1092.2K viewsOngoingAdded to Library 3.0K Times as ogre vs orc
Read
+Library
Divorce Me Now, Chase Me Later

Divorce Me Now, Chase Me Later

Isang sorpresa na puting envelope ang sumalubong kay Harper, hindi galing sa kanyang asawang tatlong taon nang walang paramdam sa Japan, kundi isang brutal na request for annulment. Sa gitna ng pait at insulto, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa halip na bumigay at magpakita ng kahinaan, isang makeover ang nagbigay-daan sa kanya para harapin ang asawang nag-iwan sa kanya nang may bagong dignidad at tapang. Pero bakit tila ngayon lang napansin ni Oliver ang kagandahan ng babaeng pinakawalan niya? At bakit ngayon pa siya humahabol, kung kailan napirmahan na ang annulment?
352 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as ogre vs orc
Read
+Library
The Price of Her Love After Divorce

The Price of Her Love After Divorce

“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
9.99.6K viewsOngoingAdded to Library 201 Times as ogre vs orc
Read
+Library
Divorce Me Now, Mr. Peters!

Divorce Me Now, Mr. Peters!

Nagpakasal sina Celestine at Benjamin pero ang lahat pala ng iyon ay for show lang dahil ayaw ng mga magulang ni Benjamin sa minamahal nitong si Diana. Nakatakda ang divorce nila in six months pero laking pagtataka ni Benjamin na bigla na lang pumayag si Celestine kahit hindi pa tapos ang six months na sinasabi niya. Nagulat na lang si Benjamin, pagkatapos ng isa nilang pagtatalo, pagbalik niya ng bahay ay bigla na lang nawala ang kanyang asawa. Nasaan na kaya si Celestine at paano na ang kanilang magiging buhay lalo pa at na-sign na pala niya ang divorce papers nila?
1056.9K viewsOngoingAdded to Library 1.7K Times as ogre vs orc
Read
+Library
Revenge after the Divorce

Revenge after the Divorce

Isang kasal na walang pag-ibig—iyon lang ang turing ni Hunter kay Ayla. At nang muling bumalik ang kanyang unang mahal, wala siyang pagdadalawang-isip na iwan si Ayla at burahin ang lahat ng mayroon sila. Pero hindi lahat ng iniwan ay nananatiling mahina. Muling bumangon si Ayla, hindi na bilang biktima kundi bilang isang babaeng handang gumanti. Ngunit habang papalapit siya sa kanyang layunin, isang tanong ang unti-unting bumabalot sa kanyang puso—paghihiganti ba talaga ang gusto niya… o ang patunayan na siya ang dapat pinili? Sa laban ng nakaraan at kasalukuyan, ng pag-ibig at galit—hanggang saan kayang sirain ni Ayla ang isang taong hindi naman siya minahal? At kapag dumating ang huli, sino ang tunay na matatalo?
223 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as ogre vs orc
Read
+Library
After Divorce: Lost in Lust and Love

After Divorce: Lost in Lust and Love

Gray Series 5 (Arison Gray's Story-Eldest Son of Jett Jamison Gray and Arya Armani) Dahil sa sakit na endometriosis ni Serene Choi ay niloko siya ng ex-husband niyang si Dylan West. Nagawa pa nitong buntisin ang babae nito kaya walang pag-aalinlangan siyang nakipaghiwalay rito. Dala ng pagkapoot sa dati niyang asawa ay nagpunta sa bar si Serene. Nagpakalasing siya at nakipagniig sa isang lalaking hindi niya inaasahan--si Arison, ang binatang dati niyang tinuruan na nagmula sa mayamang angkan ng mga Armani at Gray. Sampung taon ang agwat nila sa isa't-isa pero dahil sa nangyari sa kanila ay hindi na rin nagawang iwasan ni Serene ang lalaking may malaking pagkagusto sa kaniya noon pa man. Mas nagulantang ang mundo niya nang malaman niyang nagdadalang-tao siya! Hindi lang isa o dalawa kung hindi tatlong sanggol ang nasa sinapupunan niya at sa mas hindi inaasahang pagkakataon ay inaya siya bigla ng kasal ni Arison--bagay na mas ikinagulat niya. Magiging maayos kaya ang pagsasama nina Serene at Arison sa kabila ng malaking agwat nila sa edad? Talaga bang may happily ever after matapos ang pakikipag-diborsyo niya sa maling tao? Matatanggap kaya siya ng buong angkan ni Arison? Magtutuloy-tuloy na kaya ang kaniyang kaligayahan o patitikimin lamang siya ng kaunting ginhawa kapalit ng mas miserableng buhay?
4.7K viewsOngoingAdded to Library 174 Times as ogre vs orc
Read
+Library
PREV
123456
...
11
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status