The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)
"One-night stand lang kami noon. Akala ko, isang beses lang ‘yon at tapos na. Pero hindi. Nabuntis siya, at wala akong choice kundi pakasalan siya."
Nagulat si Vivienne. Hindi niya inasahan ang kwento nito. "Tapos po?"
"Akala ko, habang-buhay na kaming magtitiis sa isa’t isa. Lagi kaming nag-aaway, parang hindi namin kayang magkasundo. Pero habang tumatagal, hindi ko namalayan… mahal ko na pala siya. Lahat ng away namin, lahat ng hindi pagkakaintindihan, parang naging pundasyon para mas lumalim ang samahan namin."