Sight of Soul
The future can't be seen, pero sa kaso ni Percy ay hindi para sa kanya ang kasabihang iyon nang mangyari ang isang kakatwang aksidente sa pagitan nila ni Luke—isang estranghero. Hindi akalain ng dalawa na magkakaroon sila ng isang matibay na pisi na magkokonekta sa kanilang pagkatao, na walang anu-ano'y nababalutan na ng misteryo. Makakabalik pa nga ba sila sa kani-kanilang pagkatao o tuluyan nang babalutin ito ng kadilimang hatid ng isang 'di-kilalang nilalang.