HB 1: HIS BEAUTIFUL START
Hinila nito ang silya sa tabi niya at naupo roon.
“Open your mouth,” utos nito. Sa halip na sundin ito ay isinarado niya ang bahagyang nakaawang na bibig. Kumunot lang ang noo nito sa kanya. “Tsk!” Biglang hinawakan ng isang kamay nito ang mukha niya dahilan para maibuka niya ang bibig. Aray naman! Ipinasok naman ng libreng kamay nito ang isang ice cube sa bibig niya. “Munch on that, you’ll feel better.”