PADRE TIAGO
Si Warren ay isa sa mga tinuturing naming lider ng simbahan kaya naman siya ang madalas makausap ng mga kura-paroko na naka-assign dito.
"Kung ganoon father, babalik na lang ako sa Biyernes ng gabi para ma-finalize ang mga gagawin kinabukasan," wika pa ni Warren.
"Mabuti kung ganoon. Oh, heto na pala si Angelo, ihahatid ko kasi siya sa unibersidad," nakangiting wika ni Padre Tiago.
Kakaiba ang aura ni Padre Tiago kapag mayroon kaming ibang tao na kaharap. Kagalang-galang at ang bait bait niyang tingnan.