Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Contracted Husband Is My Boss

My Contracted Husband Is My Boss

Di mapigilan ni Liliana na masaktan nang makita niya na harap harapan ang fiancee at ang bestfriend niya na nagtatalik sa mismong gabi pa ng engagement nila ni Gerald nalaman pa niya na tanging mana lang ang kailangan ni Gerald sa kanya. At nagulat siya nang may isang hotel staff ang nagpalayo sa kanya doon at sinamahan siya nang isang iglap nagbago ang lahat ng gabing iyon nang malaman niya na kinasal siya sa hotel staff na yun at may nangyari pa sa kanila ng gabing iyon at ang pinaka malala pa ay ito ang CEO Boss sa kompanyang pinagtrabahuan niya. Paano niya malulusutan ang lahat ng ito na ang lalaking pinakasalan niya ang pinaka mayamang businessman sa boung mundo?
9.957.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.8K Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
Judge Me Now.  My Billionaire Husband

Judge Me Now. My Billionaire Husband

Sa gitna ng tirik na araw at putikan ng Divisoria, tanging galit ang nagpapatakbo sa pagkatao ni Claudia Diaz. Limang taon na ang nakalipas nang itapon siya ng pamilya Montefalco na parang basura—matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Miguel, saktan, at pagbintangan ng nakaw na hindi niya ginawa. Namuhay siya sa dilim, nagtatago at naghihintay ng pagkakataong makabangon. Ang pagkakataong iyon ay dumating sa katauhan ni Vanruth Amores, isang makapangyarihang bilyonaryo, dating huwes, at kilala bilang "Ruthless CEO." Sa likod ng isang pormal na interview sa trabaho, isang mapangahas na alok ang inilatag ni Vanruth: Isang kontrata ng kasal. Ngunit hindi alam ni Claudia, ang kanilang pagtatagpo ay hindi isang aksidente. Si Vanruth ay may lihim na koneksyon sa nakaraan ni Claudia, at gagamitin niya ang lahat ng kanyang yaman at kapangyarihan upang maging sandata ni Claudia sa paghihiganti. Sa mundong puno ng mapanuring mata, kailangang patunayan ni Claudia na hindi na siya ang biktima noon. Handa na siyang humarap sa korte ng publiko at sabihing: “Judge me now.”
101.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 30 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK

MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK

TRAVIS MONTIERO- Walang hinangad kung ‘di ang makaganti sa babaeng kinasusuklaman at sinisisi niya sa trahedyang nangyari sa kanyang nag-iisang kapatid. Katulad sa mga plano niya ay nakalapit siya kay Catherine. And his almost there,  upang maisakatuparan ang kanyang mga plano.  Ngunit paano kung siya rin mismo ang mahuhulog sa sarili niyang patibong?  Paano kung matutuklasan niya ang katotohanan sa likod na nangyaring aksidente sa kapatid niya?  Subalit paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Catherine? Hindi kasama sa plano niya ang mainlove… CATHERINE HUMPAY- Na love at first sight,  unang kita niya pa lang kay Travis ay naging malakas na ang pagtibok ng kanyang puso. Naging roller coaster ang mga pangyayari sa pagitan nila ng binata.  Naikasal siya sa binata na walang kahirap-hirap.  She's dream of na mala fairy tale ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari.  Hanggang sa isang bagay ang kanyang naisip…
1013.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 492 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
Divorcing My Cold and Ruthless Husband

Divorcing My Cold and Ruthless Husband

Gaya ng ibang babae na hindi agad natatauhan, sinikap ni Yasmine na paibigin ang lalaking gaya ni Alfred na mahulog sa kanya. Ngunit, sa loob ng tatlong taon nilang kasal, wala pa ring nangyayari. Mahal niya ito ngunit wala itong pakialam sa kanya. Nang minsan siyang mabugbog at mapunta sa bingit na kamatayan, ang asawa niya ay nasa piling ng ibang babae. Labis niyang ikinadurog ang pangyayaring 'yon. Dahilan din 'yon para tuluyan siyang sumuko. Ngunit, kasabay no'n ay ang pagharang ni Alfred sa kagustuhan niya. Ayaw nitong maghiwalay sila ngunit buo na ang desisyon niyang makipag-divorce rito. Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nila? Magkaayos pa kaya sila?
10578 viewsOngoingIdinagdag sa Library 18 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
My Billionaire Neighbor is My Husband

My Billionaire Neighbor is My Husband

Chloe Haynes
May dalawang lalaki ang nanggugulo sa buhay ni Sanaiah. Una ay ang lalaki sa kanyang panaginip na kahit kailan ay hindi pa humaharap sa kanya kaya hindi niya alam ang hitsura. Ganoonpaman, pakiramdam niya ay nagkita na sila ng lalaking iyon dahil lahat ng panaginip niya tungkol dito ay parang totoo. The other man was Klyde Sylvan Imperial, her billionaire neighbor and the man who constantly turns her days into disaster. Palagi na lang kasi nitong sinisira ang araw niya. Kung si Sanaiah ang tatanungin, hinding-hindi siya kailanman makikipaglapit sa lalaki, iyon ay sa kabila ng katotohanan na noon pa siya nito kinukulit para maging nanny ng mga kambal na anak nito. Pero may pasabog ang tadhana, kasabay ng isang trahedyang magiging dahilan para tanggapin niya ang inaalok na trabaho ni Klyde ay ang pagharap ng lalaki sa kanyang panaginip. Si Klyde at ang lalaki sa kanyang panaginip ay iisa. Nagpasya si Sanaiah na maging nanny sa mga anak ni Klyde sa pag-aakalang doon matatahimik ang buhay niya. Ang hindi niya alam, nang dahil sa desisyon niyang iyon ay mas lalo lamang magiging kumplikado ang lahat dahil sa mga lihim ni Klyde na isa-isa niyang matutuklasan.
6.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 257 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
My husband is a Billion-Dollar

My husband is a Billion-Dollar

Minsan na silang nagmahalan, pero biglang nawala si Jazeah, iniwan si Raven nang walang paliwanag. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya—hindi para humingi ng tawad, kundi para mag-alok ng kasal kapalit ng isang milyon. Kailangan niyang magpakasal para makuha ang mana ng kanyang lola at iligtas ang kanilang kompanya. Pero hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya noon ay hindi na mahirap. Siya na ngayon ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa—at hindi niya basta-basta tatanggapin ang kasunduan nang hindi siya nito napaglalaruan muna.
1019.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 731 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Si Celeste Reyes ay ang perpektong asawa—tahimik, masunurin, at tinitiis ang kawalan ng pakialam ng kanyang asawang si Iñigo Samonte. Sa loob ng tatlong taon, naniwala siyang sapat na ang pagmamahal niya para baguhin ang matigas na puso ng bilyonaryo at makuha ang atensyon nito. ​Ngunit sa gabi ng kanilang ikatlong anibersaryo, napatunayan niyang siya ay isang "proxy" lamang. Walang pasabing iniwan siya ni Iñigo sa gitna ng selebrasyon—hindi dahil sa trabaho, kundi para sunduin ang nagbabalik na ex-girlfriend nito. Doon napagtanto ni Celeste na kahit anong pagsilbi niya, hindi kailanman magiging kanya ang pusong nakalaan na sa iba. Wasak at pagod na, ibinigay ni Celeste ang divorce papers. Ngunit sa halip na pirmahan, ginamit ni Iñigo ang impluwensiya nito para ikulong siya sa isang "90-day separation rule." Sa loob ng tatlong buwan, kailangan nilang magpanggap na masaya sa ilalim ng iisang bubong. Ngayong desidido na si Celeste na bumitaw, biglang nakaramdam ng selos si Iñigo nang lumitaw ang kanyang karibal na pinsan upang kunin ang atensyon ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagnanasang makuha muli ang loob ni Celeste at ang pait ng kanilang nakaraan, matututunan kaya ni Iñigo na totoong mahalin ang asawa bago maubos ang natitirang mga araw? O huli na ang lahat para sa isang lalaking natututo lang magpahalaga kung kailan mawawala na sa kanya ang lahat?
107.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 151 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
Spare Love

Spare Love

“Paano kung ang mahal mo… ay hindi ka kailanman pipiliin?” Si Dianne ay isang doktor na handang gawin ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Jerome. Sinundan niya ito sa ibang bansa, isinugal ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado. Ngunit sa bawat halik, bawat yakap, at bawat salitang “I love you”—alam niyang may ibang pangalan ang sinisigaw ng puso nito. At ang pangalang iyon… ay hindi kanya.
866 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
Rebound Love

Rebound Love

Si Leina, matagal na niyang gusto si Matt pero may girlfriend ito, ngunit nang magpropose si Matt kay Ria ay tinanggihan siya nito at nakipaghiwalay sa kanya, si Leina ang naging karamay niya nang gabing yun, at dahil dun naisip ni Matt na gamitin si Leina para kalimutan si Ria, niligawan niya ito at kahit ramdam ni Leina na ginagamit lamang siya ni Matt ay sinagot niya ito, kahit hindi normal ang relasyon nila bilang magnobyo ay tinanggap ni Leina dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Matt, pero paano kung bumalik si Ria? Paano si Leina? Hindi ba talaga siya minahal ni Matt kahit kaunti? Hanggang saan dadalhin si Leina ng pagmamahal niya kay Matt?
86.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 261 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

Tahimik na buhay. Ipinagbabawal na pag-ibig. Isang lihim na maaaring sumira sa lahat. Para kay Elicia Torrez, nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali—ang umibig sa dating asawa ng kanyang ina, si Demon Villamor. Ngunit ang pagkakamaling iyon ay nag-iwan ng isang lihim: siya’y buntis, at si Demon ang ama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Ex-husband ng ina niya si Demon, at anak ni Demon ang lalaking ngayo’y papasok sa kanyang buhay—si Daniel Valdez. Ngunit si Daniel ay may puso, at handang maging ama ng bata, kahit hindi niya ini-expect na ang pagmamahal na ibibigay niya ay magdadala rin ng panganib at sakit. Dahil si Daniel… anak din ni Demon. Sa pagbabalik ng ina, at sa pagbubunyag ng mga lihim, pipili si Elicia sa dalawang lalaking magdudulot ng kapahamakan sa kanya: Ang lalaking bawal na ama ng kanyang anak… o ang lalaking tapat na magmamahal sa kanya, kahit dala niya ang sugat ng nakaraan?
105.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 155 Beses bilang quotes for husband love
Read
+Library
PREV
1
...
1617181920
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status