Revenge of the Century
Nanginginig na bumaba ang kanyang kamao na ngayo'y nababalutan ng sarili niyang dugo.
Natigil si Nicklaus sa pakikipag-usap sa ilang tao nang maamoy ang dugo ni Rosie. Saglit siyang nagpaalam sa kausap saka mabilis na dumiretso sa kwarto nito. Sa kanyang pagdating, hindi niya mabuksan ang pinto kaya kanyang sinira ang door knob. At sa pabukas nito, unang tumambad sa kanya ang sirang gamit. Kasunod nun ay si Claude na mahimbing na natutulog sa kama. At sa kanyang paglingon sa gilid, doon niya nakita si Rosie na tumutulo ang dugo sa sahig.
"Rosie?! Ayos ka lang?!" nag-aalalang tanong ni Nicklaus paglapit nito rito.
ตอนยอดนิยม