Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband

One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband

“Let’s have a deal. Let me be your real wife just for one month, Dashiel.” Isang simpleng hiling iyon. Parang huling pakiusap ng isang babaeng pagod na pagod nang masaktan. Para kay Addison Leigh Castillo, iyon na lang ang natitira sa kanya, ang huling piraso ng dignidad kapalit ng pagmamahal na ibinigay niya kahit kailan ay hindi niya naranasang masuklian. Alam na ni Addison simula pa lang na ang kasal nila ay hindi dahil sa pag-ibig. Pinakasalan siya ni Dashiel Kristian Gutierrez dahil sa obligasyon at sa kagustuhan ng lola nito. Walang lambing, walang yakap, walang titig na may damdamin. Tahimik lang ang bahay, malamig, at hindi kailanman naging tahanan. Pero kahit ganoon, kumapit pa rin si Addison. Sinubukan niyang maging mabuting asawa. Tahimik siyang umasa na baka balang araw, matutunan siyang mahalin ni Dashiel. Hanggang sa unti-unti siyang naubos. Gusto nang pakasalan ni Dashiel ang babaeng mahal nito talaga. At ang mas masakit, buong pamilya nito ang pumayag. Doon tuluyang gumuho si Addison. Kaya gumawa siya ng isang huling kahilingan. Isang buwan lang. Isang buwan na tratuhin siya bilang tunay na asawa. Isang buwan na maramdaman kung ano ang pakiramdam na mahal ka. Pagkatapos noon, aalis na siya nang tuluyan. Para kay Dashiel, desperado lang si Addison. Isang babaeng ayaw pang bumitaw. Pero mali siya. Sa loob ng isang buwan, unti-unting nagbago ang lahat. Napansin niya ang mga ngiti ni Addison, ang tahimik pero buo nitong pagmamahal, at ang paraan ng pag-alis nito, walang reklamo, pero may iniwang sakit sa puso niya. Doon niya napagtanto ang lahat. Nang makita niya ang pagmamahal na matagal niyang binalewala, saka lang niya ito naramdaman. Pero huli na ba? O lalaban ba si Dashiel; sa pamilya, sa nakaraan, at sa sarili niyang pagkakamali, para sa isa pang pagkakataon? “One more chance,” bulong ng puso ni Dashiel. Pero handa pa bang bumalik si Addison… o tapos na talaga ang kwento nilang dalawa?
1017.5K viewsOngoingAdded to Library 560 Times as ruffa gutierrez
Read
+Library
The Billionaire Forbids his Maid to Leave

The Billionaire Forbids his Maid to Leave

Love is sweeter the second time around, ika nga nila. Pero paano kung ang pagmamahalang akala mong tapos na ay bumalik dala ang mga lihim na matagal mong itinago? Si Marie Violetta Gutierrez ang pinakamagaling na scholar ni Madame Giselle Hauxley. Sa tagal niyang namalagi sa mansion ng mga Hauxley, itinuring na siyang parang tunay na anak ng pamilya. At doon niya nakilala si Logan Hauxley. Ang lalaking minahal niya nang higit sa sarili niya. Ang lalaking handang ibigay sa kanya ang buong mundo. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang umalis nang walang paalam at walang paliwanag. Sa pag-alis niya, hindi niya alam na may iniwan pala si Logan sa kanya na mas mahalaga pa sa kahit anong pangarap. Isang anak. Anim na taon siyang nagtago habang mag-isang pinalalaki ang kanilang anak na si Lollita. Akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang landas nila. Nagkamali siya. Dahil sa pagbabalik niya sa buhay ni Logan, muli niyang natagpuan ang sarili sa piling ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan. At bago pa man niya maamin ang lahat ng katotohanan… Muling nagbunga ang kanilang pagkakasala. Ngayon, kailangan niyang itago hindi lang ang isang anak, kundi pati ang isa pang lihim na maaaring tuluyang sumira sa lahat. Habang pilit niyang iniiwasan ang nakaraan, mas lalo namang lumalapit si Logan—determinado na malaman kung bakit siya iniwan at bakit hanggang ngayon ay pakiramdam niya, may malaking bahagi ng buhay nito ang hindi niya alam. Pero hanggang kailan maitatago ni Violette ang katotohanan? At kapag nalaman ni Logan na mayroon na pala silang anak… at isa pa ang paparating… Pipiliin pa rin kaya niya si Violette, gayong may asawa na sya? O tuluyan nang mawawala ang pagkakataong matagal nilang hinihintay? A billionaire who refuses to let the woman he loves leave for the second time.
1067 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as ruffa gutierrez
Read
+Library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status