Sagad ng Pagnanasa
Saka niya dinugtungan ang sinasabi nito.
"And her husband, Teodorico Soriano Adarna, reportedly spent 80 million pesos to put up this temple as a symbol of his undying love for her," sumulyap si Aialyn kay Hercules. Nagkatitigan sila. Matagal.
"I love you," saad ni Hercules sa kanya. Ngumiti siya at mabilis na hinatak ang batok ng binata at ginawaran ito ng halik sa mga labi. Iyong pakiramdam na tila nililipad siya patungong alapaap? Iyan ang naramdaman ni Aialyn ngayon, palibhasa'y napaka-romantic ng lugar na pinuntahan nila. And a better place for the two person who was in love with each other, katulad na lamang nilang dalawa ni Hercules. Hindi na nga niya mabilang kung ilang ulit na nilan