กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Revenge Of The CEO's Wife

Revenge Of The CEO's Wife

Sa pamamagitan ng kasal naisipan ni Ellery Hernandez na pwede siyang mahalin ni Thaddeus Lopez. But she's wrong. Mas lalo lang siyang kimamuhian ng lalaki dahil sa kagustuhan lamang ni Ellery kaya naidaos ang kasal. Pero sa isang aksedenteng nangyari, sa isang iglap ay magbago ang naramdaman ni Ellery. But can Thaddeus make Ellery's back to his arms? Mapapayag kaya nitong muli na magiging asawa niya gayong nagsisimula na si Ellery sa plano? Ellery's revenge for her loving husband is coming.
Romance
102.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Denying Temptation with My Husband's Twin Brother

Denying Temptation with My Husband's Twin Brother

Dalawang taon nang kasal si Faye sa kaniyang asawang si Matheo, ngunit isa lamang kasunduan ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. Mayroong lihim si Matheo sa tunay nitong pagkatao, at upang mapagtakpan iyon ay kailangan niyang magpakasal sa isang babae. Si Faye naman ay iniiwasang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal kaya pumayag siya sa kasunduang ibinigay sa kaniya ni Matheo. Ang pangako nilang dalawa, hanggang tatlong taon lamang ang kanilang pagsasama. Pagkatapos ng tatlong taon ay maibibigay na ang mana kay Matheo na siyang paghahatian nilang dalawa at mamumuhay silang malaya at masaya. Ngunit paano pa iyon matutupad kung bigla na lamang nawala ang lalaki? Hindi malaman ni Faye kung tinangay ito o napahamak. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Matheo. Hanggang sa biglang lumitaw ang kakambal ni Matheo— si Mikhael. Ang lalaking akala niya’y hindi na niya muling makikita. Alam ni Mikhael na nawawala si Matheo at posibleng nasa kapahamakan ang buhay nito. Isang international agent si Mikhael, at nalaman nito na ang pagkawala ni Matheo ay may kinalaman sa sindikatong tinutugis nito. Upang mapalabas ang tootong may sala sa pagkawala ng kapatid, kailangan na magpanggap ni Mikhael bilang si Matheo. At kinakailangan nito ang kooperasyon ni Faye. Ngunit tila hindi lamang ang buhay ni Matheo ang nanganganib sa pagkakataong ito— maging ang puso ni Faye ay nasa panganib na rin. Gayong ang totoo niyang iniibig ang kaniya nang makakasama sa pagpapanggap. Paano niya rin maproprotektahan ang lihim nilang dalawa ni Matheo? Hanggang saan ang pagtatago at pagpapanggap nilang tatlo? Hindi kaya bumalik ang damdamin ni Faye kay Mikhael? O baka si Mikhael ang bigla na lamang mahulog sa kaniyang sister-in-law? How would they protect their heart while fulfilling their duties? How could they deny the temptations?
Romance
5.51.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Married to my Boss, Divorced from my Love

Married to my Boss, Divorced from my Love

Anim na taon na mula nang huling magkita sila Kristine at Nine. Dati silang magkasintahan at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Pinangako ni Kristine sa sarili na hindi na siya muling magpapaloko kay Nine, at isinumpa naman ni Nine na maghihiganti siya sa dalaga sa susunod na magkita sila. They were worlds apart. Akala nila hindi na sila magkikita ulit pero nang dahil sa utang ng mga pamilya ni Kristine sa pamilya ni Nine, napilitan siyang magtrabaho para sa mga ito.
Romance
378 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day

Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day

Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, isang masakit at nakadurog-pusong katotohanan ang natuklasan ni Nimfa—may ibang babae ang kaniyang asawang si Marcus. Ngunit ang higit na hindi niya matanggap: ang kabit ng kaniyang asawa ay ang mismong hipag—ang asawa ng nakatatandang kapatid ni Marcus. Sa kabila ng sakit na dulot nito, pinili ni Nimfa na magbulag-bulagan. Ayaw niyang masira ang pagsasama nila ni Marcus, dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Kaya nanatili siya, kahit unti-unti na siyang nauupos. Subalit lalo pang tumindi ang lahat nang mamatay ang kapatid ni Marcus. Pansamantalang tumira sa kanilang bahay ang hipag nito kasama ang anak, at doon mas lalong nakita ni Nimfa kung gaano na siya pinapabayaan ng asawa—sapagkat ang buong atensyon nito ay nasa ibang babae na. Isang gabi, sa tindi ng sakit at pagod, tuluyan nang nagdesisyon si Nimfa. “Maghiwalay na tayo, Marcus. Mag-file na tayo ng annulment para matapos na ang lahat ng ‘to,” malamig niyang wika. Ngunit tatanggapin ba ito ni Marcus? At sa gitna ng sugat na iniwan ng kaniyang asawa, isang lalaki ang muling babalik sa buhay ni Nimfa—isang lalaking may koneksyon sa kanilang nakaraan, na ngayon ay isa nang makapangyarihang bilyonaryo.
Romance
15 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Innocent Love

Innocent Love

Kinalimutan at nagpaubaya si Meira para sa kanyang kapatid at sa lalaki na kanyang minamahal, kasama ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Hindi alam ni Acerlon na nagka-anak sila ni Meira. Sa muling pagkikita, hindi alam ni Meira na marami na pala ang nagbago. Higit pa doon, maraming sekreto ang mabubunyag.
Romance
1017.9K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
105.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?
Romance
437 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
23.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Sassy Fiancée

The Billionaire's Sassy Fiancée

Hinalikan ni Irene Smith ang isang lalaking hindi niya kilala upang matakasan ang ka-blind date, subalit hindi niya akalain na ang lalaking aksidente niyang hinalikan ay isa palang bilyonaryo na noon ay nakatakda nang ikasal. Si John Maki Montealegre, isang mayamang lalaki na nangangailangan ng mapapangasawa. Kailangan niyang mapapayag ang kanyang lolo na magpa-opera. Dahil sa ginawa ni Irene, siningil siya ni Maki sa kalapastanganan ng dalaga. Ang kabayaran? Ipakikilala ni Maki si Irene sa kanyang pamilya bilang kanyang fiancée.
Romance
1.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
1415161718
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status