SWEET PUNISHMENT
May tinda si Manang ng balut, kwekwek, fishball, kikiam at marami pang iba.
"Dalawang balut po," masayang sabi ko.
"Uubusin mo yung dalawa? Baka mahighblood ka niyan." Iritableng sabi ni Kier habang nagtatakip ng ilong. Napakaarte, akala mo naman ay hindi pilipino, maitim din naman.
"Gagi, sayo yung isa." Natatawang sabi ko at inilahad ko sa kanya ang isang itlog. Napaatras agad siya, at balak pang tumakbo nang mahablot ko ang damit niya.