Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Forbidden Love

The CEO's Forbidden Love

Si Dolly ay ordinaryong babae—breadwinner at pangalawa sa magkakapatid. Lumuwas siya sa Maynila para makahanap ng trabaho at tuparin ang pangarap niyang maging guro, dala ang bigat ng iniwang pamilya matapos talikuran sila ng ama dahil sa pangangaliwa. Hindi niya alam na ang simpleng buhay niya ay magtatagpo sa mundo ng kayamanan, kapangyarihan, at panganib.Si Harwinn Damonier ay mafia CEO at anak ni Ravazzo Damonier, ang founder ng Eclipsis Consortium—isang global empire na charitable sa publiko pero illegal sa likod ng mga pinto. Sa simula, wala siyang pakialam kay Dolly. Ang kanilang kasal ay kasunduan lang, pinilit ng ama ni Harwinn para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya at ang seguridad ng Consortium. “No distractions. Work is everything,” Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit si Dolly, sa kanyang stubbornness at matibay na puso, unti-unting binago ang malamig na mundo ni Harwinn. Mula sa asaran, ragebaiting, at matinding pagtatalo, napagtanto niya na may nararamdaman siya—isang damdaming hindi niya dapat aminin. Lahat ay maayos hanggang sa nalaman ni Dolly ang engagement ni Harwinn kay Natavalya Solaris, anak ng powerful Solaris family at intended bride para palakasin ang Consortium. Heartbroken, tumakas siya—hindi alam na buntis na pala siya. Sa dalawang buwan ng pagtatago at lungkot, napasakamay siya ng isang grupo na may utang na loob kay Jadraque Solaris, na plano gamitin siya para pilitin si Harwinn sa kasal kay Natavalya. Ngayon, nakatayo si Harwinn sa pagitan ng puso at kapangyarihan, habang ang kanyang mahal, si Dolly, ay nasa panganib. Isang mafia empire, isang forbidden love, at isang hindi inaasahang bata—maaaring magbago ng lahat.Makakaya kaya nilang labanan ang kasalanan, kapangyarihan, at dugo ng pamilya para sa kanilang pagmamahalan? O mawawala ang lahat sa dilim ng kanilang nakaraan at ng mundo ng mafia?
10576 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
Ang Mapakunwaring Anghel

Ang Mapakunwaring Anghel

Itong kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mahinhin na secretary ng isang billionaire na perfectionist pero babaero. Pinag silbihan niya ito dahil kaylangan niya ng malaking pera. Pinagtatawanan siya lagi ng kaniyang mga ka- office mate. Sa sobrang hinhin niya kasi lagis iyang nasisigawan at nasasabihan ng tanga. Ginawa siyang isang katulong ng kaniyang boss. Lagi din siyang naka suot ng makalumang damit na puro mahahaba kaya lagi siyang napapagalitan ng kaniyang Boss. Hindi kasi siya makatakbo ng mabilisan dahil sa kaniyang saya na hanggang talampakan kahaba. Kulang na lang isampal sa kaniya ng Boss nito ang papeles na pinapagawa lagi sa kaniya. Tiniis niya lahat ng pang aapi sa kaniya pero ang hindi nila alam pagsapit ng gabi, nagpapalit anyo pala siya. Isa pala siyang kinakatatakutan ng lahat, walang sinasanto patay kung patay. Inatasan siya ng kaniyang amang mafia sa isang mission kaya siya nagppanggap ng ganito sa harap ng lalaking yun na walang iba kundi ang kaniyang Boss. Sa kaniyang pag panggap na yun, may isang araw na hindi niya inaasahang may mangyari sa kanilang dalawa. Sa isang pagkakataon na un expected. Simula ng may mangayri sa kanila, hindi na siya nawala sa kaniyang isipan. To the point na halos gagawin naman na niya lahat para sa lalaking ito at pati ang kaniyang mission nakalimutan niya. Hindi niya na inisip ang sinabi ng kaniyang ama. Na bawal siyang magmahal. Hanggang sa nalulong na siya dito. Tunghayan po natin ang kwento ng dalawang magkasalungat ang mundo. May pag asa pa kaya sila, mapapamahal din ba si Dane na isang billionaire kay Angel na isang babaeng assassin na ang ama'y isang mafia.
10272 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

TaigaHopeRainbow
Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?
3.6K viewsOngoingAdded to Library 90 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
The Revenge Of Mafia Queen

The Revenge Of Mafia Queen

Alarcio Mj
si Reina ay mabait at cold na klase ng babae ngunit Hindi alam ng karamihan ay sa loob loob nito ay Isa syang malupit at walang awang tao at lingid sa kaalaman ng karamihan ay ginagawa lamang nya ito ng dahil na rin sa taas ng kanyang position ngunit Ang totoo Nyan ay Isa lamang syang simpleng dalaga na naghahangad ng hustisya dahil sa murang edad ay nasaksihan ng. inocente nyang mga Mata Ang pagkawalan ng buhay ng kanyang mga magulang ng dahil sa karanasang ito ay nabalot Ang puso nya ng puot at Galit ipinangako nya sa puntod ng kanyang mga magulang na maghihiganti sya at uubusin Ang mga kalaban at babawiin nya Ang buhay na ipinagkakait sa kanya ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon ay muli Silang magtatampo ng lalaking ky tagal na nyang hinihintay muling mabubuo Ang kanilang pagiibigan ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon malalaman nya na Ang kanyang minamahal ay anak Pala ng kanyang mortal na kaaway matutupad pa kaya Ang pinangako nya sa kanyang mga magulang na uubusin nya Ang angkan ng mga Kalaban o hahayaang nalamang na mamuuo Ang naudlot na wagas na pagmamahalan ng Dalawang taong itinakdang makaaway. Tunghayan Ang pakikipaglaban nila Reina Satory Azumi at Aix Mathew montefalco sa ngalan ng pagibig at paghihigante.
3.8K viewsCompletedAdded to Library 86 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
101.1K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
NINONG JONAS (FORBIDDEN PASSION SERIES)

NINONG JONAS (FORBIDDEN PASSION SERIES)

Kasabay ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama sa hindi malamang dahilan ay niloko din si Cassandra ng boyfriend niya at ipinagpalit sa kanyang matalik na kaibigan na si Serafina ngunit hindi pa doon nagtatapos ang dagok sa buhay niya. Sa burol ng kanyang ama ay nakilala niya ang mafia boss na si Giovanni Zobel na siyang pinagkakautangan ng kanyang ama ng isang bilyong piso, binigyan siya nito ng palugit na isang buwan at pag hindi siya nakabayad ay papatayin siya nito. Dahil sa pagbabantang iyon ni Giovanni ay pinalayas kaagad si Cassandra ng kanyang tiyahin sapagkat ayaw nitong masangkot sa gulo at utang ng kanyang ama. Kinamkam din nito ang natitirang kayamanan ng kanyang ama. Sa paglalakad ni Cassandra sa malakas na ulan at malamig na simoy ng hangin na tanging maleta lang ang bitbit ay muling nag krus ang landas nila ng ninong niyang si Jonas Del Riego na siyang may-ari ng Del Riego Group of Companies. Ipinaliwanag nito na malaki ang utang na loob nito sa ama niya kung kaya’t gusto niyang suklian ang lahat ng ginawa nito sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanya. Kaagad niyang tinanggap ang offer nito na maging secretary at personal assistant ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Cassandra ang tinatagong pagtingin ni Jonas sa kanya. Sa pagtatrabaho niya doon ay nalaman pa ni Jonas ang sitwasyon niya at inofferan siya nito na babayaran ang pagkakautang ng kanyang ama at bibigyan siya ng proteksyon kung magpapakasal siya rito. Magawa niya kayang tanggapin ang inaalok nitong kasal para sa pera, proteksyon at pagmamahal?
10140.9K viewsCompletedAdded to Library 5.4K Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
102.2K viewsOngoingAdded to Library 47 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
Becoming my Ex's Stepmother

Becoming my Ex's Stepmother

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ng aming bahay ay nakarinig ako ng tila may nalaglag sa loob ng silid ng aking ina. Sa pagkakaalam ko ay walang tao doon dahil nagbabantay ng hardware namin si Mommy kaya naman nagpunta ako don para i-check. Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng makita ang aking ina na nasa hindi kaaya-ayang posisyon kasama ang aking nobyo at parehong walang damit!
1034.9K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
854 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
2.1K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as tagalog ng reflection
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status