The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
Tama, nasabi ni Tala at Nati na ang mga tao sa lugar ay maalam gumamit ng mga halaman katulad ng dahon ng bayabas, serpentina, paragis, oregano, at iba pang pangkaraniwang maririnig na mga halaman, iyon din ang dahilan bakit ang mga tao rito ay nakaliligtas sa mga karamdaman at mayroong mga resistensiyang nakapagliligtas sa kanila sa karamdaman.
“Anong pinag-uusapan ninyo?” Dumating si Tala na may dalang mirienda para kay Drake. Kumain na rin kasi kami.
Naupo siya sa harapan namin.
Mabuti’t nabitiwan ko kaagad si Drake dahil baka kung ano ang isipin niya. Kasama niya si Kat-Kat na kaagad tumabi sa ‘kin.
ตอนยอดนิยม