Daddy 1
Hinila niya ako kung saan, agad kong tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko dahil akala ko sa kwarto niya ako hihilahin pero nagtataka ako bakit pababa kami, alam ko kung saan ito papunta.
"Bakit tayo nandito sa basement, Tito?" Nagtatakang tanong ko. Kanina ay sobrang dilim dito pero ngayon ay hindi na ganoon dahil gamit niya ang ilaw na nagmumula sa kanyang cellphone. Hindi siya nagsalita sa halip binuksan niya ito at sumalubong sa amin ang madilim at mainit nitong singaw. Mukhang malinis dito dahil mabango ang amoy, amoy Downy.