The Zillionaire's Abandoned Wife
Habang ang cellar naman sa condo unit na ito ay climate controlled na ito dahil isa sa mga pinaka high end niya, may fingerprint scanner rin ang pinto, at may glass enclosure na nagpapakita ng kanyang collection na tila isang art installation sa isang museo.
Isa ito sa mga bagay na hindi dapat nawawala sa buhay niya, alak.
Pumasok siya sa loob, at ang mababang lamig ng cellar ay sumalubong sa kanyang katawan, isang crisp na contrast sa mainit na gabi. Hinalughog niya ang collection ng Single Malt Scotch Whiskies, kung saan nakahanay ang daan daang bote na may iba't ibang taon at pinagmulan.