Contract and Marriage
Nasa Rizal ang headquarters ni Kuya Lualhati, ang lalaking minsang tinulungan kami noong mga panahong nasa panganib ang buhay ng miyembro ng aming pamilya. May asawa na rin siya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin. Dati siyang carefree, palaban, halos ayaw pa nga sa commitment, tapos ngayon settled na. Pero syempre, alam ko rin na hindi na siya bata. Kuya na rin siya ng lahat, kagaya ni Kuya Jerome, iyong tipo ng taong kapag nagsalita ay may bigat, may kredibilidad, at may natural na authority.
Hot Chapters