Sex For Rent
Hindi dahil sa mahirap lang tayo ay kaya na nila tayong bilhin,at tapak-tapakan,kaya nga ako nagpursige na makatapos sa aking pag-aaral para maiahon ko ang pamilya natin sa kahirapan kesehodang tawagin nila akong p****k,
nagbebenta ng katawan mabuhay ko lang kayo Inay,tumulo narin ang luha sa mata ni Laura.
niyakap ni Laura ang kanyang Ina pagkuwa'y sabay silang umiyak.
Gusto ni Laura na sa paningin ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang paralisadong Ina na matapang siya kaya niyang lampasan ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay,mula pa noong namatay ang kanilang ama.
Isang batang-bata na Laura ang pumasok sa putikan para mabuhay ang kanyang pamilya.