A Bittersweet Surrender
Sumunod pala agad siya sa akin,umupo agad ako sa tricycle at hindi ko siya kinibo,nakita ko pa siya na bumili ng bubble gum sa tindahan,iniabot pa niya sa akin yung isa pero inirapan ko lang siya sa inis ko.
Bumiyahe kami pauwi ng walang kibuan hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko sa kanila kanina samantalang siya pa kanta-kanta lang ng mga rock songs habang nag da drive,nakita pa namin yung babae na kahalikan niya na naglalakad,lumingon pa talaga siya at sinipulan ito.Nasaktan na naman ang bata kong puso ang hirap pa lang magka crush ng hindi ka gusto ng crush mo.
Dumating kami sa kumbento,hindi ko pa rin siya kinibo.