My Beloved Corazon
Naisip ko na kahit papa'no ay natulungan ako nito kaya hindi ko na lang siya p'wedeng iwanan dito basta, dapat ko pa rin iyong isipin bilang utang na loob.
"Hihintayin kita hanggang sa makasakay ka, tapos uuwi na rin ako." malamig kong sambit rito.
"Ihatid mo 'ko, wala kang utang na loob," pagsinghal nito na ikinagulat ko.
"Ano?"
"Ihatid mo 'ko pauwi, dilikado umuwi ng ganitong oras na ako lang mag-isa pag may nangyari sa akin ikaw ang sisisihin ko." Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.
인기 회차