Fated Play
Napakawala niya namang kuwenta tanungin.
“Hindi ka ba nagkaroon ng girlfriend kahit kailan?” tanong ko sa kaniya, tunog hindi makapaniwala.
“H-Hindi, boss... nahihiya po ako. Saka hindi ko rin alam kung kaya niya akong tanggapin sa kung sino ako. Maganda rin naman po kung gawan ko ng paraan, at baka makuha ko rin ang loob niya... baka sakaling magustuhan ako. Pero kasi, boss, hindi naman po trabaho ng normal na tao ang trabaho ko ngayon. Hindi ko po alam kung matatanggap niya na mahal siya at nagmamahal siya ng isang...” Mamamatay tao. Alam kong iyon ang gustong idugtong ni Mics pero hindi niya magawa dahil baka may makarinig sa kaniya.
Hot Chapters