Death Whisperer
Kakatwa mang isipin, pero tinawag niya ang pangalan ng Diyos.
"Diyos ko, ikaw na ang bahala," usal niya.
Makalipas ang ilang oras, kung kailan papasara na ang bangko, nangyari ang nakawan. Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng grupo ni Antonio at ng mga guwardiya. Nabaril ang ang mga guwardiya, pero hindi napuruhan. Bumagsak sila at naagawan ng mga armas. Walang nagawa ang mga iyon nang limasin ng grupo ni Antonio ang pera sa loob ng bangko. Nagmamadaling pinalabas ni Antonio ang mga kasama niya at nagpaiwan siya para pagnakawan pa ang mga kawawang sibilyan. Pagkalabas na pagkalabas nila para sumakay sa isang van, nagulat ang mga kasama ni Antonio nang makarinig sila ng putok ng baril. Inaka
Bab Populer