Pleasure Me Uncle Wild (SPG)
Kahit anong saya ng paligid, ramdam ni Asia ang lamig na tila bumabalot sa pagitan nila ni Wild—isang lamig na hindi kayang tabunan ng kahit gaano kabuting balita.
Pagmulat ni Wild, agad niyang naramdaman ang mabigat na kirot sa kanyang ulo—tila sumisikip ang sentido niya sa bawat tibok ng puso. Napahawak siya rito, napapikit sandali, pilit inaalala ang nangyari kagabi. Lasing siya, oo. Pero higit sa lahat, una niyang naisip si Asia.