Billionaire Daddy's Obsession (SPG)
anunsyo sa pangalan ko kaya huminga ako ng malalim at ngumiti nang yayain ako ni Lei paakyat ng stage.
Kita ko pa ang bonggang graduation picture ko sa screen na nasa magkabilang gulid ng stage. "She's a consistent achiever since seventh grade! Today, she is recognized With Honors and will be receiving a Loyalty Award! Again, congratulations, Ms. Reina Vincenzo!"
Napangiti ako lalo nang batiin din ako ng mga teacher namin sa iba't-ibang subject. Isa isa ko silang pinasalamatan at kinamayan ang Dean na nagbigay sa akin ng certificate ko.