Mistaken Identity
Hindi nga sila nagkamali ng balae niya, kung nasaan man ito ngayon, alam niyang masayang-masaya rin ito para sa kanilang mga anak.
At si Anthony, bagama’t iba ang sexual preference nito ay tanggap niya. Ang mahalaga, mabuti itong tao at maayos ang pakikitungo sa lahat. Sabi nga, love has no gender. As long as nagpapakatotoo ito sa sarili nito at wala itong tinatapakang tao, masaya siya para rito.
“MUKHANG natagpuan mo na rin ang babaeng para saiyo,” nakangising sabi ni Andy nang lapitan niya si Justin at abutan ng beer.