分享

Chapter 7

作者: Khollen
last update publish date: 2026-06-25 09:15:22

Kadarating lang ni Ronel sa Reynolds Corporation ang limampung palapag na malaking company ng kanilang pamilya, na ang impluwensiya’y umaabot sa iba’t ibang bansa.

Matatag ang bawat hakbang niya, puno ng utos, habang tinatahak ang magarbong lobby. Naputol ang mga usapan, tumuwid ang mga likod ng empleyado, at ang ingay ay biglang naglaho. Wala pa siyang sinasabi, ngunit ang presensya niya lamang ay sapat na upang mag-utos ng katahimikan.

Diretso siyang nagtungo sa executive lift nakalaan lamang para sa pinakamataas na posisyon sa company. Isang swipe ng kanyang card, at agad siyang nakarating sa ika-49 na palapag. Sa harap ng kanyang opisina, tumama ang tingin niya sa mesa ng secretary sa labas, bago siya pumasok at agad na tumawag.

“Hello, sir, how can I help?” sagot ni Arya.

“Ipalipat ang mesa ng secretary sa loob. Ilagay sa kanan ng mesa ko,” malamig na utos ni Ronel, walang space para sa pagtutol.

“Yes, sir.”

Umupo si Ronel sa itim na leather chair ang upuan ng kapangyarihan na nararapat sa tagapagmana ng Reynolds.

Samantala, dumating si Bella sa kumpanya, nanginginig ang loob habang bumababa ng sasakyan. Suwerte siyang nakisabay sa driver ng pamilya at kay Karen na papunta sa supermarket. Kahit malayo ang ikot, paulit-ulit siyang nagpasalamat.

“Excuse me,” mahina niyang bati nang makita ang isang lalaki malapit sa lift.

“Yes, can I help you, miss?” tanong ni Arya, sinisipat siya mula ulo hanggang paa. Bagong empleyado, hula niya.

“My name is Bella May Reynolds… pero tawagin niyo na lang akong Bella. Ako ang bagong secretary ni Sir Ronel—uh, I mean, Mr. Ronel, ang CEO.”

Inilahad niya ang kamay. Magalang itong tinanggap ni Arya.

“So, ikaw ang bagong secretary niya?”

“Y-yes,” mabilis niyang sagot, halatang kinakabahan.

“Alright, follow me.”

Sumakay sila sa executive lift patungong ika-49 na palapag. Maluwang, maganda, aesthetic, at tahimik ang espasyo. Napansin ni Bella ang acrylic nameplate: Ronel Ray Reynolds, MBA.

Itinuro ni Arya ang isang malinis na mesa. “Ito ang sa’yo.”

Bahagyang ngumiti si Bella. “Salamat po, ma’am.”

“You’re welcome. Umupo ka muna. Darating na si Mr. Ronel.”

“Yes, sir. Thank you so much po. Sana po matulungan ninyo ako baguhan lang ako. Ito ang unang trabaho ko.”

Napataas ang kilay ni Arya. Unang trabaho? Pinigilan niya ang pagkagulat. Paano nakakuha ng secretary ang CEO na walang karanasan? Favouritism ba ito? o dahil kamag anak siguro sya? Ngunit itinago niya ang iniisip.

“Oh… I see. Excuse me, then.”

Tumango si Bella, mabilis pa rin ang tibok ng puso. Nilibot niya ang paligid ang mga mamahaling  mga gamit, ang salaming dingding na nagpapakita ng tanawin ng city.

“Oh God… sobrang kaba ko,” bulong niya, inilapag ang bag at kanyang cellphone sa mesa. “Kailangan kong pumunta sa restroom. Para kumalma.”

Sa sandaling iyon, pumasok si Ronel sa opisina. Napakunot ang noo niya nang makita ang mesa naroon ang gamit, ngunit wala ang may-ari.

“Nasaan siya?” bulong niya.

Nagliwanag ang screen ng telepono ni Bella. Tumama ang tingin ni Ronel sa message. Humigpit ang panga niya.

Sender name: Rain  

Bella, meet the man from the business card yesterday. Immediately.

Sa restroom, humarap si Bella sa salamin, pinapakalma ang sarili.

“Kaya mo ‘to, Bella. Nag-research ka buong gabi tungkol sa trabaho ng secretary. Kakayanin mo. Tibayan mo.”

Biglang bumukas ang pinto. Natigilan siya. Si Ronel ang naroon, malamig ang titig na pumunit sa hangin.

“R-ronel” nauutal ang tinig niya habang dahan-dahan itong pumasok, kalmado ngunit nakakatakot.

Napatingin siya sa tissue sa lababo. Agad niya itong inabot, ngunit huli na. Nauna si Ronel, binuksan ang gripo at naghugas ng kamay.

Kasabay nito, dumulas ang kanang braso niya sa baywang ni Bella.

Nawala ang hininga niya. Bumilis ang tibok ng puso habang nagtagpo ang kanilang mga repleksyon sa salamin. Ang matalim na panga ni Ronel, ilang pulgada lang ang layo.

Nanatiling kalmado si Ronel, para bang natural lamang ang kilos. Ngunit para kay Bella, bawat segundo ay tila walang hanggan. Gusto niyang itulak ito, ngunit nanigas ang katawan niya sa ilalim ng hawak nito.

Naglinis ng lalamunan si Ronel, tumingin sa kanya sa salamin. Isang iglap lang, ngunit sapat upang bumilis ang tibok kanyang pulso.

Napakaliit ng espasyo sa pagitan nila. Ang amoy ni Ronel matapang, nangingibabaw ay humalo sa kanya, banayad at sariwa. Dalawang mundong nagbanggaan sa katahimikan.

“Ronel” sa wakas ay nakapagsalita si Bella, hindi pantay ang hininga habang nagtagpo ang kanilang mga mata sa repleksyon. “Hindi mo ako nakita, ‘di ba?”

Binitiwan siya ni Ronel. Kumuha ng tissue, pinunasan ang kamay nang maingat bago itinapon ni minsan ay hindi siya tiningnan.

“Gano’n ba?” bahagyang tumaas ang kilay niya, malamig ang tono. “Akala ko walang magtatangkang pumasok sa private restroom ko. Karaniwan, wala.”

Nanlaki ang mga mata ni Bella, bumalot ang hiya sa kanyang ugat. Mabilis siyang yumuko.

“Pasensya na, Ronel. Hindi ko alam. Hindi ko sinadya. Sorry po.”

Matalim ang tingin ni Ronel, tinaga ang kanyang paghingi ng tawad nang hindi kailangang sumigaw.

“‘Sir,’” mariin niyang pagtama kay Bella. “Ako ang boss dito, hindi ang brother in law mo. Huwag mo akong tawagin gaya ng sa bahay. Ipinapakita lang na hindi ka pa handang magtrabaho nang propesyonal.”

Hindi malakas ang boses, ngunit mabigat ang bigat ng salita.

“Y-yes, Sir. Sorry po,” bulong ni Bella, nakayuko pa rin, takot na takot na salubungin ang malamig na mga mata nito.

Walang dagdag na salita, lumabas si Ronel sa restroom.

Itinaas ni Bella ang ulo, nakatitig sa sariling reflection. Napahawak siya sa dibdib, sinusubukang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso.

“Oh God… unang araw pa lang, nagkamali na agad ako,” bulong niya.

“Ang tanga mo, Bella,” dagdag niya, marahang pinapalo ang noo.

Hanggang sa umalingawngaw ang tinig ni Ronel mula sa labas.

“BELLA!”

Nagulat siya, agad na lumabas.

“Yes, Sir. Ano po ang gagawin ko?” tanong niya, nakatayo sa harap ng mesa nito, pilit na nagmumukhang propesyonal sa kabila ng hiya.

Malamig, matatag, walang bakas ng pag-aalinlangan ang titig ni Ronel.

“Gawan mo ako ng kape,” maikli at diretso niyang utos.

Mabilis na tumango si Bella. “R-right away, Sir,” sagot niya, agad na lumabas ng opisina. Dahan-dahang nagsara ang pinto sa likod niya.

Sinundan ni Ronel ng tingin ang magaan niyang mga hakbang hanggang sa tuluyang maglaho ang kanyang anino. Bahagya siyang huminga nang malalim, saka ibinaling ang ulo. Tumama ang kanyang mga mata sa cellphone na nakapatong sa mesa, ang telepono ni Bella.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 7

    Kadarating lang ni Ronel sa Reynolds Corporation ang limampung palapag na malaking company ng kanilang pamilya, na ang impluwensiya’y umaabot sa iba’t ibang bansa.Matatag ang bawat hakbang niya, puno ng utos, habang tinatahak ang magarbong lobby. Naputol ang mga usapan, tumuwid ang mga likod ng empleyado, at ang ingay ay biglang naglaho. Wala pa siyang sinasabi, ngunit ang presensya niya lamang ay sapat na upang mag-utos ng katahimikan.Diretso siyang nagtungo sa executive lift nakalaan lamang para sa pinakamataas na posisyon sa company. Isang swipe ng kanyang card, at agad siyang nakarating sa ika-49 na palapag. Sa harap ng kanyang opisina, tumama ang tingin niya sa mesa ng secretary sa labas, bago siya pumasok at agad na tumawag.“Hello, sir, how can I help?” sagot ni Arya.“Ipalipat ang mesa ng secretary sa loob. Ilagay sa kanan ng mesa ko,” malamig na utos ni Ronel, walang space para sa pagtutol.“Yes, sir.”Umupo si Ronel sa itim na leather chair ang upuan ng kapangyarihan na na

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 6

    “Rain” halos bulong ang tinig ni Bella habang sinusundan ang asawa papasok sa kanilang kwarto matapos ang dinner.Biglang lumingon si Rain, malamig ang titig na tila tumatagos sa kanya. Ang gilid ng kanyang labi ay kumurba sa isang mapanuyang ngiti.“Ang talino mo din ano Bella. Alam mong si Kuya Ronel ang kinatatakutan ng lahat dito sa pamilya, kaya tumakbo ka sa kanya para humingi ng tulong.”Napakunot ang noo ni Bella, litong-lito.“Anong… ibig mong sabihin, Rain?”“‘Dont play dumb Bella!” Sambit ni rain Habang dinuduro duro nya si Bella sa sobra nyang kainisan sa sarili nyang asawa.“I’m sure nagreklamo ka kay kuya, hindi ba? At sinabi mong sawa ka na sa pagturing sa’yo na parang servant lang dito sa bahay.”Alam ni Rain ang ugali ng kanyang kapatid. Oo, matapang si Ronel, pero hindi siya marunong tumalikod sa taong lumapit na umiiyak. Sa isip ni Rain, sure sya na ginawa iyon ni Bella.“That’s why you begged him for a job para makatakas sa gawaing bahay, tama?” Nanggigil ang pang

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 5

    “Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tumingin si Ronel, sapat lang para makita si Bella na nakaluhod sa sahig at si Luwee na hawak ang daliri na tila ba sinasadya ang eksena.Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Ronel, hindi mabasa.Samantala, nakangisi si Kelly. Malinaw sa kanyang tingin alam niyang hindi aksidente ang nangyari, kundi palabas lang ng biyenan.Tumayo agad si Kendra mula sa carpet, bakas ang pag-aalala sa mukha nang makita si Bella na natumba. Tatakbo sana bata papunta sa tita Bella nya, ngunit mabilis ang malamig na tinig ng ina.“Sit down, Kendra.” Walang nagawa ang bata para tulungan tita Bella nya.Napahinto ang bata, tumingin sandali sa ina, saka muling umupo at nagkunwaring naglalaro ngunit patuloy pa ring palih

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 4

    “Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang ang sinabi ko kaninang umaga? Akala mo nag joke lang ako tungkol sa hospital expense ng lolo mo, ha?”Yumuko si Bella, mariing pinisil ang card hanggang halos magusot.“Rain… pero hindi ko kaya ipagamit katawan ko sa hindi ko asawa,” halos pumutol ang boses niya, mahina, halos hindi marinig. “Hindi ko kayang gawin ‘yon please Rain ayoko.”Lumapit si Rain, mabagal ngunit nakakatakot ang bawat hakbang, hanggang wala nang pagitan sa kanilang dalawa.“Just do it Bella,” malamig niyang sabi. “Dahil wala ka ng choice.”Napatingala si Bella, dahil napupuno na ng luha ang mga mata. “Rain… pakiusap. Huwag mo naman akong pilitin ng ganito. “Tumigil ka.”Isang salita lang, ngunit sapat para patahimik

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 3

    “Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig ang ekspresyon.“Don’t let yourself be treated like a servant. Ang lugar mo sa bahay na ito ay bilang daughter-in-law ng pamilya Reynolds at hindi isang utusan o katulong.”Mabilis na yumuko si Bella, naglalaro ang mga daliri sa kaba. “O-opo, Kuya,” mahina niyang wika, nanginginig ang tinig.Isang hakbang pa ang inilapit ni Ronel, sapat para mapatalon ang puso ni Bella sa kanyang dibdib. Napigil ang kanyang hininga.Matalim ang titig ng lalaki, para bang binabalatan ang lahat ng pagtatago niya, para bang nababasa ang bawat lihim na pilit niyang itinatago.“Are you alright?” tanong ni Ronel. Walang lambing sa tono, ngunit mas lalong tumama sa puso ni Bella na para bang una beses na may tao nag

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 2

    Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha, humalo sa bula ng sabon. Tahimik siyang humikbi, nanginginig ang balikat sa bigat ng ultimatum: tatlong buwan para magdalang-tao.Biglang may marahang haplos sa kanyang likod. Nagulat si Bella at mabilis na pinunasan ang luha gamit ang braso.“Miss Bella…” malumanay na sambit ni Karen, ang kasambahay ng pamilya, habang hinahaplos ang kanyang braso.“Tama na, Miss. Huwag ka nang umiyak. Sobrang mahalaga ng luha mo para sayangin sa mga salita nila, kahit pa kay Ma’am Luwee,” bulong niya, sabay agaw sa plato mula sa kamay ni Bella.“Hayaan mo na ako ang magtapos nito.”Ngunit mabilis na kinuha ni Bella ang plato. “Hindi, Karen. Ako na ang tatapos.”“Pakiusap, Miss. Ako na. Magpahinga ka m

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 1

    “Find another man to get you pregnant, Bella.”Parang martilyong tumama sa dibdib ni Bella ang mga salitang iyon ni Rain nang umagang iyon.Nanlaki ang mga mata ni Bella sa sinabi ng asawa nya. Paano nagawa ng sariling asawa na kalmado siyang utusan na magpabuntis sa ibang lalaki?“Se-seryoso ka ba

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status